Chapter 13

96 4 0
                                    

Chapter 13

Party

-----

"Kuya..." naluluhang tawag ko rito habang pinapanood ang pag-iimpake niya.



Narinig ko ang malalim niyang pag-buntong hininga habang nakaluhod sa may maleta niya bago ako harapin. He sighed again when he saw my teary-eyed before standing from his position, and got closer to me. I held my tears back when I felt them wanting to fall when my brother put his hands on my shoulders, looking into my eyes directly.


"Para sa 'ting dalawa 'to, Maevhelle. 'Wag ka nang umiyak. Babalik naman ako rito, e," nanunuyo niyang wika habang nakatingin sa 'kin.



"E, Kuya, hindi ako sanay na walang kasama rito sa apartment! Hindi ako marunong ng self-defense! Baka, masaksak ko lang ng kutsilyo 'yung magtatangkang pumasok sa bahay, hindi lang suntok! Pa'no na 'yung kakainin ko sa gabi kapag pagod ako galing school at trabaho?! Pa'no kapag nakalimutan mo na naman na uminom ng vitamins, e, sakitin ka?! Pa'no kung malimutan mong dalhin 'yung jacket mo sa labas tapos walang magdadala sa 'yo kasi wala ako ro'n?! Anong mangyayari sa 'ting dalawa kapag nagkahiwalay tayo, Kuya?! Hindi ako sanay!"



Tuluyan na akong napaiyak habang nilalabas ang lahat ng mga inaalala ko sa kaniya. Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko bago ako hilahin palapit sa kaniya, yinayakap ako. Mas napaiyak ako nang maramdaman ang pag-haplos ni Kuya sa buhok ko para patahanin ako habang natatawa siya sa nakikita niya sa 'kin. Alam ko naman na gumagano'n lang siya dahil ayaw niyang makita kong umiiyak siya.



"After three years, uuwi naman ako, ah?" Sabi pa niya na lalong nagpaiyak sa 'kin.



"Ang tagal ng three years, Kuya! Mali pa yata na napasali ka sa top 10, e!" Reklamo ko pa habang naiyak sa mga bisig niya.



"Sorry, Maevhelle, ha? Matalino kasi Kuya mo, e. Hindi maiiwasan na mapasali sa top 10," pagbibiro niya pa sa 'kin.



"Pwede naman na rito na lang mag-trabaho tapos biglang bibigyan ng offer galing ibang bansa?! Putang ina!" Sigaw ko.



"Maevhelle, ang ingay mo. Baka, katukin na tayo ng mga kapitbahay natin," humalakhak si Kuya.



"Bakit sila kakatok?! No'ng nag-away ba silang mag-asawa, kinatok ba natin sila?!" Sigaw ko ulit.



"Gagi naman, Maevhelle. Baka, mapaaway ako ng wala sa oras nito..." tumawa ulit si Kuya. "'Wag ka na kasing umiyak. Bukas na ang alis ko papuntang Los Angeles tapos iiyakan mo pa 'ko? Kung makaiyak ka pa naman, parang hindi na 'ko babalik,"



"Ang tagal ng three years, Kuya! Tapos one month ka lang dito kasi babalik ka ulit do'n! Tapos another three years na naman! Bullshit lang 'yon!" Sumigaw ulit ako.



"Buti nga babalik pa 'ko after three years, e. Kaysa naman sa straight six years, 'di ba?" Tanong niya bago bahagyang humiwalay sa yakap namin para punasan ang mga luha sa pisngi ko. "Pagkatapos no'n, may ipon na tayo panigurado kaya 'di ko na kakailanganin pang tumanggap ng gano'ng katagal na project sa ibang bansa. Siguro mga one to two years na lang na mga project ang tatanggapin pagkatapos,"



"Pwede ba 'yon? Wala ka namang choice pagdating sa trabaho..." suminghot ako. "Tumanggap ka na lang nang tumanggap ng project, Kuya. Mag-ipon ka. Tapos, mag-hanap ka na rin ng girlfriend do'n. Tuyot na tuyot ka na, e. Sayang lahi natin. Gandang lahi pa naman,"



Humalakhak si Kuya nang marinig ang sinabi ko. He looked like he doesn't know if he should laugh or snort at me since what I said is funny, but I was still crying. I wiped my own tears while in front of him, watching me, before smiling like nothing happened.



Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon