Chapter 11

106 5 0
                                    

Chapter 11

Ako

-----

"Congratulations, Engineer Espina!"



I smiled upon seeing my brother's surprised face when we all shouted his name. His lips were parted as he looked at Leale with betrayal in his eyes. Leale just laughed at him before pointing me, who was carrying a cake.



"Congrats, Kuya!" I exclaimed as I got closer. "Blow the candles! Mag-wish ka kahit 'di mo birthday!"



Tumawa si Kuya Amari dahil sa sinabi ko bago hipanin ang mga kandilang nakatarak sa ibabaw ng cake na hawak ko. Kinuha niya ang cake mula sa 'kin bago balingan ang mga kaibigan niya na halos pagtulungan na siya. Pinanood ko kung pa'no kausapin ni Kuya sina Toshi habang may matamis na ngiti sa mga labi niya.



Kuya told me that he'll do everything just to make my smile stay. Gano'n din ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'min pero alam kong gagawin ko rin ang lahat para mapanatili ang mga ngiting 'yon sa mga labi niya. Kahit maging kriminal pa 'ko. Kahit pumatay pa 'ko. Gagawin ko para kay Kuya.



Sabay-sabay kaming kumain lahat sa may pool area ng bahay ni Toshi. Kami-kami lang din naman dahil tinatamad mag-imbita si Toshi ng mga guests. Mga babae lang inimbita niya para sa kaniya at kay Eman. Oo, special sila. Buti na lang talaga mahal ako ni Leale. Balita ko kasi, gano'n din siya noon. Sama-samang naghahanap ng mga babae.



Nang medyo mag-dilim na ay nagkayayaan na na maligo na kami sa swimming pool. Sinamahan ako ni Leale sa isang kwarto para magpalit ng damit. He was wearing black beach shorts, and a white muscle-cut t-shirt. Huhubarin din naman niya ang shirt niya mamaya bago tumalon sa may pool kaya 'di na niya 'yon masyadong pinagpilian. I just wore my maroon sleeveless bodysuit with my denim ripped shorts. Pinatungan ko pa rin ng oversized na puting cardigan ang suot ko dahil medyo malamig na dahil sa sariwang hangin.



"Bakit? Hindi ba bagay?" Tanong ko nang mapansin ang nakasimangot na mukha ni Leale habang nakatingin sa suot ko.



"Bagay nga," sagot niya bago umismid. "Sasapakin ko 'yung mga tititig sa 'yo, baby,"



Humalakhak ako dahil sa sinabi niya. He always compliment my body in the weirdest ways. Nalalaman ko kapag bagay sa 'kin ang isang damit kapag nakasimangot siya at sasabihing may sasapakin. Ang ibig sabihin kasi no'n pagdating sa kaniya, bagay sa 'kin ang suot ko kaya maraming mapapatingin. And he hates it when someone was staring at me because of my clothes or what. He hates is, especially when he's around.



Nag-tungo na kami sa may pool area pagkatapos kong lambingin si Leale tungkol sa suot ko. Pa'nong lambing? Hinayaan ko siyang lagyan ako ng marka sa dibdib para hindi na siya maging gano'n. Kakasuot pa lang namin ng mga damit namin, hinubad na naman niya. Tapos sinuot na naman namin. Puta.



"Oh, puta! Bawal tumingin kay Maevhelle! Minarkahan na!" Tumatawang sigaw ni Eman nang mapansin ang marka ni Leale sa dibdib ko.



"Pa'no mo nakita?!" Nanlilisik ang mga matang tanong ni Leale.



"Halata!" Sigaw pabalik ni Eman. "Pulang-pula kaya! Akala ko nga, damit pa rin 'yon, e!"



Mabilis na hinubad ni Leale ang suot niyang shirt bago tumalon sa may pool kung nasaan si Eman. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Eman at lumangoy palayo. Halos mapaupo na ako sa pag-hagalpak nang makita ko kung pa'no tuluyang lumubog sa tubig si Eman nang hilahin siya pailalim ni Leale na nasa ilalim din. Tinulungan pa ni Toshi si Leale na lunurin si Eman nang makita ang ginagawa nito.



Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon