Chapter 26
Capture
-----
Halos dalawang buwan na rin simula nang malaman ko ang totoo. Hindi madali para sa 'kin na tanggapin ang lahat ng gano'n-gano'n lang. Sino ba ang makakatanggap ng katotohanan ng gano'ng kadali, hindi ba? Wala. Kung meron man, sana all.
Kahit halos dalawang buwan na, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. I still feel so lost. Tang ina. Pa'no mo ba malalaman ang gagawin mo kapag hindi mo na alam kung nasa'n ka?
"Maevhelle, tawag ka ni chief,"
Tumango ako sa katrabaho ko nang marinig ang sinabi niya. Agad kong inayos ang suot ko pati na rin ang mga gamit ko sa ibabaw ng table ko bago mag-lakad papunta sa office ni Amy, ang chief editor ng pinagta-trabahuhan ko.
A month ago, Amy contacted me to hire me as one of the journalists under the publishing company that she was working at. She's already the chief editor in it, so she told me that I should be at least work on the same world of my dream even if it's not exactly what I want. Well, that's understandable, so I accepted it. Journalist na 'yon kahit walang photo. Papakawalan ko pa ba?
"Chief," bati ko kay Amy nang makapasok na sa loob ng opisina niya.
"Maevhelle," sambit niya bago marahang ngumiti. Bumaba ang mga mata ko sa folder na nasa ibabaw ng table niya kaya agad akong lumapit sa kaniya. "These are the files of your next project. Find out about Kio, the drummer of the popular boyband named Liyab,"
"What do you want me to find out about him?" Nag-taas ang kilay ko.
"Well," Amy licked her lower lip before leaning against her table. "I met a child earlier at the mall with his mom. I thought the child is cute since he's so handsome when he's still young. But then, I realized that he kinda looked like Kio,"
"How old is the child?" I asked her.
"I'm not sure, but maybe around five or six?" She furrowed her eyebrows. "Pero seryoso, kamukha ni Kio 'yon,"
"Baka naman, pinaglihi lang kay Kio o 'di kaya ay kamag-anak?" Tanong ko.
"I really don't know," nag-kabit balikat si Amy bago ako matamis na ngitian. "Kaya ko nga sa 'yo binibigay 'to para malaman natin ang mga sagot sa mga tanong natin. And to be honest with you, iba 'yung reaksyon ng nanay no'ng bata no'ng sinabi ko na kamukha nito si Kio. Sinabi ko rin kasi na isa akong journalist at gusto kong ilagay ang anak niya sa blog natin,"
"So you're saying that this child is Kio's possible child?" I raised an eyebrow. "Kung totoo 'yon, malaking scandal 'to sa grupo nila,"
"Yes, Maevhelle. Malaking scandal 'to which means malaking chance din sa 'yo," ngumiti sa 'kin si Amy. "Kaya ko namang gawin 'to pero ibibigay ko na lang sa 'yo para tumaas na rin ang posisyon mo. Kapag nangyari 'yon, mataas na sweldo,"
Mahina akong natawa dahil sa kaniya. Kinuha ko ang folder na nag-lalaman ng mga files na tungkol kay Kio. Bumalik na ako sa table ko para basahin ang mga impormasyon na nakalap ni Amy tungkol kay Kio, ang drummer ng Liyab.
Liyab is a boyband group. Kasali sa grupo na 'yon si Dion, ang pinsan ni Leale. They're so popular even if they're already in their thirties. Kasali rin sa grupo si Zion, ang dating fuck buddy ni Kheerah. I know about them, but Amy's informations about them are incredible.
![](https://img.wattpad.com/cover/287012578-288-k265297.jpg)
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...