Chapter 24
Evidence
-----
Pinanood ko ang anak ko na masayang tumatawa habang pinapanood si Daphne sa pag-tulak sa tito nito sa papasok ng bahay nila. Nakasandal ako sa may gate ng bahay namin habang nakamasid kay Leane. He looked so carefree and happy in front of me. But what about when I'm not around? Ganito rin ba siya?
Because of the conversation that I had with my brother, I realized that I didn't know all the things about my son. Sinunod ko ang sinabi ni Kuya Amari. I asked my friends if Leane asked them about his father and it turned out that all of them were asked by Leane. Gustong makilala ni Leane ang tatay niya.
Hindi madali para sa 'kin na gawin ang sinasabi ni Kuya Amari na dapat kong gawin. It's true that my guilt was stopping me from confirming my hunch that Leale is the father because of what I did. But again, I just made love with him last night and indirectly agreed that he can be the father of Leane. Is that my first step of moving on from my mistake?
May karapatan ba akong kalimutan 'yon? Wala naman yata.
I stared at my son who was helping Daphne to push her uncle inside their house. Her uncle that is, I think, younger than me was laughing while trying to stop the kids from pushing him. Ang daming nakakapansin na kahawig ni Leane si Leale. Maraming nagsa-sabi kung ipinaglihi ko raw ba si Leane kay LJ, ang paborito nilang soccer player. Sinagot ko sila ng oo dahil totoo naman 'yon. Palagi akong nakamasid sa mga picture ni Leale sa cellphone ko noong pinagbubuntis ko pa rin si Leane.
Hindi rin naman lingid sa kalaamanan ni Leane na ex ko ang sinasabi nilang kamukha niya. Bukod sa pagiging ex ko, kilala niya rin si Leale bilang kaibigan ni Kuya Amari noong college dahil may nakita siyang picture ni Kuya Amari kasama ang soccer team noong college. Bukod din do'n, nakita niya rin ang mga picture namin noon ni Leale sa photo album na meron ako. Hindi ko kasi tinatapon ang mga picture namin ni Leale dahil ayokong kalimutan na nakilala ko siya.
"Oy, gagi, Leane!"
Natauhan ako nang marinig ang sigaw ng tito ni Daphne. Napaawang ang labi ko nang makita kung pa'no malakas na itinulak ni Leane ang tito ni Daphne, dahilan nang muntikan na nitong pag-dapa. Malakas ang ginawang pag-tawa ni Daphne habang agad namang inalalayan ni Leane si Dino.
"Lampa," ngumiwi si Leane.
"Tinulak mo 'ko tapos tatawagin mo 'kong lampa?!" Suminghap si Dino. "Sana ayos ka lang,"
"Sinabi ko bang ikaw?" Umirap si Leane.
"Ewan nga sa 'yo. Ang sakit mo sa ulo kausapin," kumamot sa batok si Dino bago kusang pumasok ng bahay nila.
"Tito, mag-shower ka! You smell so bad because of your sweats!" Sigaw ni Daphne bago sundan ang tito niya sa loob.
Halakhak lang ni Dino ang huli kong nadinig dahil natuon na ang atensyon ko kay Leane. Hindi niya pa rin alam na nasa likuran na niya ako, nanonood sa kaniya, dahil may pinapanood siya sa bandang kaliwa. Sinundan ko kung saan siya seryosong nakabaling at gano'n na lang ang pag-kirot ng puso ko nang makitang ang kapitbahay namin 'yon na buong pamilya.
Masayang naglalaro ang pamilya'ng 'yon habang kita ko kung pa'no mag-iwas ng tingin si Leane mula sa kanila kasabay nang malalim niyang pag-hinga. Namuo agad ang mga luha sa mga mata ko nang mapanood kung pa'no niya mabilis na pinunasan ang mga mata niya. Kahit na nakatalikod siya sa 'kin, alam kong malapit na siyang umiyak base sa tindig nang pagkakatayo niya.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Romance(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...