Chapter 28

108 5 0
                                    

Chapter 28

Demon

-----




Leale stopped contacting me. More like, I made him stopped contacting me. After burrying our unborn child, he still tried to contact me, but I changed my number. Hindi ko na kayang makita siyang masaktan pa ulit nang dahil sa 'kin. Sobra-sobra na ang mga sakit na natamo niya dahil sa 'kin.




Sinubukan niya rin akong puntahan sa kumpanyan kung saan ako nagta-trabaho pero iniwasan ko talaga siya. Nahalata niya 'yon kaya hindi na ulit siya nag-pakita sa 'kin. Alam kong mali ang paraan ko pero wala na akong iba pang maisip na paraan para lumayo siya sa 'kin. Maayos ang hiwalayan namin noon kagaya ng gusto ko pero ngayon, hindi ko na alam kung anong gusto ko. Ang alam ko lang, dapat ay lumayo na ako sa kaniya dahil nasaktan ko na siya ng sobra-sobra.




Hindi na rin naman ako masyadong pinahirapan ni Leale. Nahalata niya rin kasi na ayaw kong makipag-usap sa kaniya o makipag-kita man lang. Hindi na rin siya sumubok dahil mukhang pati siya, pagod na rin. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa ilang beses na siyang nasaktan ng dahil sa 'kin.




Naging abala na rin naman si Leale no'ng mga sumunod na araw dahil may laro pa siya sa ibang bansa. Representative siya ng Pilipinas kaya gano'n na lang siya kung mag-training. Kahit na iniiwasan ko siya, nanood pa rin ako ng laro niya sa TV namin. I felt proud upon watching him played like nothing happened. His team even won against the opposite team. He proved himself again as the ace of the soccer team.




Pumunta na ulit sa ibang bansa si Kuya Amari kaya naiwan na naman kami ni Leane sa bahay. Mga isa o dalawang taon lang naman si Kuya ro'n dahil may mga katulong naman siya na engineer din na kagaya niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Kuya at tinanggap niya ang project na 'yon dahil kakatapos niya pa lang sa isang proyekto. Literal na kakatapos pa lang nang tanggapin niya ang project. Mukhang pati si Kuya ay may problemang kinakaharap.




Si Leane... Hindi na ulit siya nag-tanong tungkol sa tatay niya. I don't know why, but I'm thankful. Sinabi ko na naman na kay Kuya na kumpirmado na si Leale ang tatay ni Leane. He asked how I confirmed it, but I didn't tell him how. I can't tell him how.




I can't tell anyone about what happened. About what I found out. Hindi ko pa kaya. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko ba talaga na sabihin kahit kanino ang tungkol do'n. Akala ko nga ay sasampahan ako ng kaso ni Jason dahil sa ginawa ko sa kaniya sa may elevator pero hindi niya ginawa. The bruises that he got was seen by many people, but he lied that he got into a car accident which was happened when he was on his way to his training. Of course people didn't believe him and even tried to find out that truth, but Jason covered up everything. Halatang takot na mag-salita rin ako sa kung bakit nangyari 'yon.




"Why aren't you playing?" Nakakunot ang noong tanong ko sa anak ko nang marinig ang sinabi niya. "Hindi ka ba nakapasa para mag-laro? Hindi ba't kasali ka na sa team niyo? Ano 'yon? Bangko ka lang?"




"I don't know, but the players that our coach are not good enough to play at the finals. It even looked like the coach was bribed by the players' parents because most of them are rich," sagot ni Leane habang ngumunguya ng turon. "It's weird, right, Mama? Hindi naman sila gaano kagaling pero sila ang mag-lalaro. Tapos may mga pera pa,"




"Pwede ba 'yon?! Isumbong ko kaya sila sa principal?!" Nanlisik ang mga mata ko.




"Pwede rin po, Mama. Pero baka hindi po maniwala sa 'yo habang wala kang ebidensya," ani Leane.




Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon