Chapter 08

132 5 0
                                    

WARNING: Sexual interaction,

Chapter 08

Brother

-----

It's been years since my parents died tragically. I think it's already four years since my brother and I lived by ourselves. To be honest, I don't count. I don't want to count. Bakit ko bibilangin kung ilang taon na kaming ulila ni Kuya Amari? Bakit ko bibilangin kung ilang taon na kaming walang mga magulang?

Sometimes, I think the death of our parents is also the end of our lives. But my brother always prove me wrong. Palagi niyang pinapakita na hindi pa tapos ang buhay namin. Na meron pa kami ng isa't isa. Na hindi kami nag-iisa dahil magkasama pa kami. He always prove that the death of our parents isn't the end of our lives. He always did, and always doing. Hindi niya ako iniiwan. Gano'n din ako sa kaniya. Kahit anong mangyari. Kahit kailan. Hindi namin iiwan ang isa't isa. I am certain about it.

"Why you didn't tell me that it's Leale, Kuya?" I asked as soon as Kuya Amari arrived at our apartment.

Halatang pagod dahil galing sa internship niya. May dala rin siyang supot kung saan nakalagay ang pagkain namin ngayong gabi. Nakaupo ako sa may sala, hinihintay siya, nang dumating siya. Bitbit niya pa ang bag at ilang papeles na paniguradong pinapagawa sa kaniya galing internship.

"Anong sinasabi mo, Maevhelle?" My brother asked while furrowing his eyebrows at me.

"Na si Leale ang ex ni Diana," I stated, looking at his reaction.

Malalim na bumuntong hininga si Kuya Amari nang mapagtanto ang tinutukoy ko. Dahil sobrang lapit lang naman ng kusina kung nasaan ako, ro'n siya dumiretso para ibaba ang ulam namin. Tiningnan niya rin ang rice cooker namin at nakitang naka-saing na ako. Nang makitang maayos na ang mga pagkain namin ngayong gabi, lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Importante pa ba 'yon ngayon, Maevhelle?" Tanong ni Kuya bago bumaling sa 'kin. "Bakit gusto mo pang malaman ang tungkol do'n? Matagal na naman 'yon at ayos na kami ni LJ,"

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Kuya. Wala naman na sa 'kin ang tungkol do'n. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit hindi niya sinabi sa 'kin na si Leale ang ex ni Diana. Alam niyang nagkakabutihan na kami ni Leale. Nanliligaw na nga sa 'kin ang lalaki. Pero pa'no si Diana? Pa'no kung isipin niya na nilalapitan ko lang si Leale dahil ex niya 'to? Ayoko ng gano'n.

"Gusto ko lang malaman, Kuya..." marahan kong wika.

"Hindi ko na sinabi sa 'yo dahil sa tingin ko ay hindi na importante 'yon, Maevhelle Douce. At kung iniisip mo na baka nilalapitan ka lang ni LJ dahil kapatid kita, 'wag kang mag-alala. Totoong gusto ka no'n. May prinsipyo si LJ. Mataas ang respeto niya sa mga babae. 'Yon na rin ang dahilan kung bakit hinayaan ko na lang din siyang ligawan ka. Sa tingin mo ba, hahayaan ko siyang mapalapit sa 'yo kung wala akong tiwala sa kaniya, Maevhelle?"

Tinitigan ko si Kuya. I saw how his eyes stared back at me, too. He looked like he wasn't lying at all. Alam kong hindi nag-sisinungaling si Kuya sa mga oras na 'yon. Kilala ko siya. Palagi siyang nag-sasabi ng totoo sa 'kin. Dahil pagdating sa 'kin, nagiging tatay na rin siya. Sinong ama ba ang hahayaan ang anak niyang masaktan? Siguradong hindi si Kuya 'yon.

"Pa'no kung isipin ni Diana o ni Leale na nilalapitan ko lang siya kasi galit ako dahil sa nangyari last year? Alam mong ayaw na ayaw kong pinag-iisipan ako ng masama ng mga tao, Kuya..." umiwas ako ng tingin mula kay Kuya.

Kung si Kuya, ayos lang na pagdudahan siya ng lahat, 'wag lang ako. Ako, hindi ko kaya. Pakiramdaman ko, sinasakal ako kapag gano'n. Ano ba ang nangyayari kapag sinasakal ang isang tao? Namamatay. Gano'n ang pakiramdam ko sa tuwing iisipin ko pa lang na wala ng maniniwala sa 'kin kahit nag-sasabi na ako ng totoo. It's frustrating and suffocating at the same time.

Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon