Chapter 30
Support
-----
"Tang ina naman, Maevhelle! Hindi ka na naman sasama?! Boring, ha!" Singhal ni Kheerah mula sa kabilang linya.
"May trabaho nga ako! Isa pa, ngayon ang laro nina Leane, 'no! Hindi pwedeng wala ako ro'n!" Singhal ko rin sa kaniya.
"Maglalaro ba 'yang anak mo?! Baka mamaya, bangko lang na naman!" Singhap niya.
"Kahit bangko pa siya, manonood pa rin ako! Mga bobo naman 'yung mga teammates niya, e. Lalo na 'yung coach! Puta, 'di ko pa rin malilimutan kung pa'no ako hiningian ng pera ng gago para raw makapag-laro si Leane! Neknek niya! Magaling ang anak ko kaya hindi ko kailangan mag-bayad sa kaniya para patunayan 'yon, 'no!"
"Tama 'yan, Maevhelle! Mag-tiwala ka lang sa anak mo! 'Wag kang mag-alala! Hahabol kami nina Amanda para kay Leane! Tatakas kami mula rito sa reunion! Ang boring kapag wala ka, gago!"
"Dapat lang!" Humalakhak ako. "Oh, siya. Ibababa ko na 'to. Tatapusin ko pa ang trabaho ko,"
"Okay!" Sagot niya bago putulin ang linya ng tawag.
Napailing ako bago itago ang cellphone ko sa loob ng handbag ko. Sinimulan ko ng tapusin ang mga dapat kong gawin para makahabol ako sa laro ng anak ko. Mga tatlong oras pa naman bago 'yon mag-simula kaya alam kong makakahabol pa ako. Lalo na ngayon na kaunti lang naman ang ibinigay sa 'kin na gawain ng bagong chief editor namin.
Nag-quit na kasi si Amy pagkatapos ng kasal nila ni Kuya Amari. Yes, they were the ones who got married. Hindi na rin ako masyadong nagulat dahil college pa lang, alam kong may something na 'yang si Kuya Amari para kay Amy. Hindi lang umaamin. Masyado yatang baliw kay Amy kaya naunahan ko pang magkaanak. Sigurado naman ako na hindi siya baog dahil ngayon ay may anak na sila. Kambal, mga kaka-isang taong gulad pa lang. Pareho ring mga lalaki.
Pinag-pahinga na lang ni Kuya Amari si Amy mula sa trabaho lalo na't nahirapan talaga 'yon mula sa panganganak. Kambal kasing matataba kaya gano'n. Pero ayos na naman na si Amy ngayon. OA lang talaga si Kuya dahil wala siya rito sa Pilipinas noong nanganak ako kay Leane. Mukhang guilty pa rin hanggang ngayon dahil suportado pa rin niya si Leane kahit may mga anak na siya.
Sinabi ko na naman kay Kuya na kaya ko na. Na may trabaho na naman ako kaya hindi na dapat pa siya mag-abala pa para kay Leane. Wala namang problema kay Amy ang pag-suporta ni Kuya Amari sa 'min dahil hindi rin naman sila nakakalimutan ni Kuya pero nahihiya na rin kasi ako. May trabaho na naman kasi ako pero itong si Kuya, halatang bata pa rin ang tingin sa 'kin.
Kasama namin sina Amy at ang mga anak nila sa bahay. Walang problema 'yon sa 'ming lahat. Isang beses nga ay nag-plano akong mag-hanap ng apartment para bumukod, si Amy pa ang nagalit sa 'kin habang nginingisian lang ako ni Kuya Amari, natutuwa sa pagiging galit sa 'kin ni Amy dahil sa binalak ko. Nakakatakot magalit si Amy kaya hindi ko na ulit sinubukan pang mag-hanap ng apartment. Katakot. Baka, bigla akong sugurin sa apartment kapag pinilit ko pa.
Nasa Fragranza lang ngayon sina Amy kasama ang mga anak niya, binibisita ang mga magulang niya. Wala na naman kasi sa bansa si Kuya Amari para sa isang proyekto. Sanay na ako na wala si Kuya pero kasi, si Amy, mag-isa lang habang inaalagaan 'yung kambal. Kaya siguro pinili na lang din muna ni Amy na mag-bakasyon sa probinsya nila para may katulong siya. Palagi rin kasi akong wala sa bahay tapos si Leane nasa school din madalas.
BINABASA MO ANG
Record The Shot (SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
Roman d'amour(SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) As love blooms between the Journalism student, Maevhelle Douce Espina, and the ace of the soccer team, Leale Jemerson Arcilla, someone from the past came to ruin what they have. Sinubukang itago at ilayo ni Lea...