chapter 21

2.4K 75 5
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

"Good morning, Reese."

Pagbukas ko ng pinto ay napatingin ako ng diretso sa gwapo niyang mukha. Kontodo ngiti na naman siya sa akin.

Napakaaga niya kung bumisita.

Halos araw-araw ay nagkikita kami pero wala siyang kasawa-sawa sa pagmumukha ko. Bakit siya ganito?

"Magandang umaga, Ashton. Nag-almusal ka na ba?" Niluwagan ko ang pinto upang papasukin siya, "Hindi ka papasok?"

"Ah, no. I just came here to see you before I leave. Pinapatawag kasi ako ng parents ko sa bahay." Pilit niyang itinago ang biglang pagsungit ng mukha niya, "We have a lot of family issues to resolve."

"Mag-iingat ka kung gano'n. Kami nina Terry at Charry ay papasok na dahil may physical education class kami."

"Ah, the weekly sports game of every strand. Good luck then."

"Hmm." Tango ko, "May sasabihin ka pa ba?"

"Say... Will you meet me tonight for dinner?" Heto na naman ang paghawak niya sa kanyang batok at hindi makatingin sa akin ng diretso, "I---"

"Hindi ka pa nagsasawa sa akin, Ashton?"

Biglang nagseryoso ang mukha niya at lukot ang noo na napatayo siya ng diretso, "At saan naman patutunguhan ang usapan na 'to?"

"Huwag mo sanang mamasamain pero halos mula umaga hanggang gabi ay nagkikita tayo sa bawat araw dito sa Academy."

"So?"

"Baka magising ka na lang isang araw at maisip mo na nagsasayang ka lang ng oras sa akin."

"Why are you saying such things all of a sudden? Tss." Bugnot na sinagot niya ang tumatawag sa kanyang cellphone at dumistansya ng ilang hakbang. Pagbalik niya ay nagpipigil na siyang magalit, "My parents called again for the nth time. I better get going before they do something stupid."

"Sige."

"Mag-uusap tayo mamaya." Hinaplos niya ang pisngi ko bago tuluyang umalis.

Hinawakan ko ang parte ng pisngi ko na hinaplos niya. Naiwan ang bango ng malambot niyang palad.

"Enebe, Reese, gumising ka." Pukaw sa akin ni Terry na may kasamang hampas sa braso ko.

"Bakit, Terry?"

"Ilang segundo na nakaalis si Vhon ay tulala ka pa rin diyan. In love ka na, girl?" Ang lakas ng halakhak niya na pati ang iilang estudyante ay napaoatinhin sa amin.

"Hindi ko alam."

"Lakas ng tama mo, 'no?" Binunggo niya naman ako sa balikat, "Ay grabe, 'yong kilig ko talaga eh hindi ko mapigilan kapag makita ko kayo na naglalampungan."

"Hindi naman kami naglalampungan, Terry."

"Enebe, girl, helete nemen na mey geste ke se kenyeee." She cleared her throat and stood straight, "My parents called again for the nth time. I better get going before they do something stupid."

Ginaya niya ang boses ni Ashton at ang paghaplos nito sa pisngi ko.

Kumurap ako ng biglang sumulpot ang imahe niya sa isipan ko.

"Nababaliw na yata ako."

Tinalikuran ko si Terry na umabot na yata sa kakahuyan ang lakas ng tawa.

Hinanda ko ang aking PE uniform at sapatos na gagamitin mamaya para sa activity. Makakalaban namin mamaya ang ibang strand kaya tiyak na makakasama ko sa paglaro ang mga kaibigan namin ni Ashton.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon