Reese Elizabeth Cohlsin
"Congrats sa atin! Nanalo ako ng five hundred thousand sa pustahan!" Iwinasiwas ni Terry ang hawak niyang balloon, "May apology rin na mangyayari bukas si unggoy!"
Nakahilata naman ako sa couch habang si Charry ay humihiwa ng cake sa mesa.
"Dito ba matutulog si Kelly?" Tanong ko sa kanila.
Kaninang hapon pa natapos ang game at dahil nanalo kami ay may pajama party na magaganap dito sa dorm namin. Bukas naman ay bonfire party sa kakahuyan na planado na ng mga kaibigan ko.
"Oo naman! Ang tagal niya nga lang, ano? Past seven na ay wala pa siya, kakain na sana tayo ng dinner!" Nagsuot naman ngayon si Terry ng party hat, "Sunduin ko na kaya?"
"Parang bata naman niyan si Kelly, Terry. Baka naghahanda pa 'yon." Sagot namab dito ni Charry.
Napatitig ako sa kisame. Walang ingay. Wala akong narinig na nagbabasag ng mga bote, natutumba na mga mesa o upuan, o di kaya ay sigaw.
"Kapag wala pa rito si Kelly sa loob ng sampong minuto ay ako na ang susundo sa kanya." Wika ko, "May kailangan rin ako sa kanya." Palusot ko pa.
"Sure ka, Reese?"
"Oo."
"Umayos ka nga diyan ng higa, nagmumukha kang depress." Hinampas pa ni Terry ang binti ko na nakapatong sa ibabaw ng couch. Ang mga kamay ko naman ay nakabukaka na nagmumukha ako'ng ipapako sa krus.
"Komportable ako sa ganito, Terry."
"Mukha kang lantang gulay, Reese. Haha. First time ka namin nakitang ganyan ah." Ang lapad ng ngiti ni Charry, "Komportable ka na talaga sa amin."
"Matagal na akong komportable sa inyo."
Tumingala ako sa kisame. Nakakapanibago. Likas na kay Kelly na nag-iingay paminsanminsan pero nakakabahala na wala ako'ng naririnig kahit ano.
"Oh?" Untag ni Terry.
"Masyadong tahimik sa taas."
"Baka na-realise na ni Kelly na masyado na siyang nakakaabala sa ibang tao rito." Kahit siya ay hindi maitago ang pagtataka, "Puntahan mo na kaya?"
Kaagad naman na bumangon ako at nag-unat ng mga braso, "Aakyat na ako."
"Samahan na kita?" Alok ni Terry na inilingan ko naman.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad ang nakangiting mukha ni Ashton, "Bakit ka nandito?"
"I missed you." Diretsang sagot niya sa akin, "And because I want to give you these." Sabay pakita ng mga box na may lamang cake.
"Masyadong marami, Ashton." Niluwagan ko ang pinto upang makapasok siya, "Aakyat lang ako para sunduin si Kelly, maghintay ka na lang dito."
"Okay. Aalis rin ako agad pagbalik mo."
Kaagad na tumakbo ako papuntang hagdan at malalaki ang hakbang ko. Ilang segundo lang ay nakatayo na ako sa harap ng pinto.
"Kelly?" Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot. Tiyak ko naman na nandito siya dahil may usapan kami.
Hinawakan ko ang doorknob at naramdaman na basa ito. May dugo.
Sinipa ko ang pinto at bumagsak naman ito kaagad. Inilibot ko ang aking mata sa nagkalat na silid. Masyadong magulo rito sa loob.
"Kelly?"
Lumapit ako sa likod ng couch nang marinig ko ang kaluskos.
"Hmpf!" May busal ang kanyang bibig habang nakatali naman ang kanyang mga kamay at paa.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...