Chapter 27

10.3K 282 12
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

"Terry, aalis lang ako sandali." Paalam ko sa kanila.

"Naku, Reese! Sabi ng Hari mo, bawal kang lumabas ng gabi. Hindi ba?" Pigil niya sa akin.

"May pupuntahan lang ako, hindi naman ako magtatagal."

Nakatingin lang sa akin si Charry, may kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.

"At saan naman? Alam ba 'to ni King Vhon?" Usisa pa niya.

"Magpapaalam ako sa kanya."

"Saan ka pupunta? Sa labas lang ng dorm o may iba ka pang pupuntahan?" Dagdag niya.

"Sa labas lang."

"Sigurado ka?" Taas kilay siyang humalukipkip na pakiwari ay tinatantiya ang sagot ko.

"Oo."

"Papayag ka ba, Charry?" Tanong niya sa isa na nakatingin lang sa akin.

Blank

"B-bahala ka." Kumibot na balik ni Charry.

"Okay ka lang ba?" Medyo maputla ang kanyang mukha.

"O-oo. Medyo masakit lang ang ulo ko."

"Okay."

Hindi ako makampante, gusto kong umalis at puntahan ang matandang iyon. Si Tatay Dan, ang tinulungan namin ni Ashton at dinala sa resthouse nila. Muntik na siyang mabundol ni Ashton noong isang linggo. Pagkatapos namin siyang iwan doon ay hindi ko pa siya nakikita ulit.

May kung ano sa loob ko na gusto siyang makita at makasama. Kahit ako ay naninibago sa aking sarili. Kahit kay Ashton ay hindi ako ganito. Wala akong oras na hindi ko naiisip ang matandang lalaki na iyon. Sino ba siya? Kilala niya ba ako? May alam ba siya tungkol sa akin? Nagkakilala na ba kami? Pero hindi ako makakalimutin at nakasisigurado akong hindi ko pa siya nakikita kahit kelan. Kailangan ko siyang tanungin, dapat may malaman ako.

"Aalis na ako." Nagsuot ako ng itim na jacket na may hoodie. Lumabas ako ng dorm at patakbong bumaba ng mga hagdan.

Hindi ko ramdam ang pagod sa pagtakbo. Wala akong pakialam kung mahuhuli ako at parusahan. Kailangan ko siyang mapuntahan, kailangan ko siyang makita.

Nagtago ako sa gilid ng malaking puno nang makita ko sa di kalayuan ang dalawang gwardya na may dalang flashlight at naglalakad ng sabay papunta sa aking gawi. Nagkukwentuhan sila at hindi ramdam ang presensya ko.

Maingat akong nagtago sa kabila ng puno nung mapadaan na sila sa gawi ko.

"Haha. Grabe nga eh." Masaya silang nqgkukwentuhan.

Mabilis na akong tumakbo papunta sa junior high building at nagpalinga linga sa paligid kung sakaling may naglilibot pa na ibang gwardya. Nang matiyak ko na wala na ngang nakabantay sa paligid ay tumakbo na ako papunta sa main building. Dumikit ako sa gilid ng pader ng may isa pang bantay na papasalubong sa akin.

Huminga ako ng malalim at naglakad ng tahimik sa mismong gilid niya. Madilim sa parteng ito ng main building at walang ilaw, ang kanyang flashlight ay hindi naman natutuon sa aking pwesto.

Tumakbo ako ng makalayo na sa kanya hanggang sa marating ko ang mataas na pader at napatigil. Naghanap ako ng pwedeng patungan o akyatan upang makatalon ako sa kabila papunta sa labas. Natigil ang aking mga mata sa isang malaking puno na may sangang nakalaylay sa itaas ng pader.

Lumapit ako doon at in-estima ang taas ng puno, anong hakbang ang gagawin upang makaakyat at kung ilang segundo ang itatagal ko hanggang sa makalabas na ako. Hindi dapat ako makalikha ng ingay upang hindi ako makakuha ng atensyon.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon