Chapter 42

8.8K 246 5
                                    

Terry

Banas na banas pa din talaga ako kay unggoy. Hindi ako maka-move on! Walanghiya 'yon. Tsk tsk tsk! Gaganti talaga ako! Pero mas nakakainis 'yong ginawa niya sa isang babae dun sa party. Gagong 'yon?! Argh!

"Terry, ayos ka lang ba?" Pukaw sa akin ni Reese.

"Move on na, sis. Four days ago na 'yon. Haha!" Pierre

"Hihi. Oo nga, Terry. Ang lalim mo talagang magalit." Charry

"Sabi sa 'yo eh, ligawan mo na. Ayan tuloy, naunahan ka pa. Haha. Ehem." Tumigil siya sa pagtawa ng paningkitan ko siya ng mga mata. Sige pa, gatungan niyo pa ang init ng ulo ko.

"Gusto niyo bang sumama?" Charry

"Saan na naman 'yan? May pasok ako mamayang one a.m eh."

"Tutal naman malapit na ang anniversary namin ng love ko, napag-usapan namin na lumabas tayong magbarkada. Maliligo tayo sa beach!" Excited niyang sabi.

"Talaga ba, Charry? Sasama ako kung ganun." Reese

"Yes! Makakapagsuot na naman ako ng two piece! Maglalaway na naman si Alejandro nito. Haha!" Pierre

"Kj ka dapat, anong nakain mo at sasama ka ha?" Usisa ko kay Reese.

Tiningnan niya lang ako at parang may kakaiba sa ginawi niya. Napaiwas pa siya ng tingin, habit niya na yata 'yon.

"Hindi pa ako nakakapunta sa totoong beach."

Napatahimik kami sa sagot niya. Siya na talaga ang walang kamuwang-muwang sa mundo. Hayop talaga 'yong Dimitrios na 'yon, ninakawan niya ng kabataan ang kaibigan namin.

Inakbayan siya ni Pierre, "Okay lang 'yan, sis. Lahat ng hindi mo pa napupuntahan at nalalaman, didiskubrehin natin ng magkasama. What are siblings for, right?" Ngumiti si Pierre nang tumango si Reese sa kanya, "Atsaka, mahaba pa ang oras mo!"

"Hmm." Reese

"Oh siya, kelan alis natin?" Tanong ko kay Charry na hinihimas na naman ang tiyan niya.

"Mamayang hapon, gabi na tayo makakarating sa resort. Excited na ako!" Charry

"Hindi ba makakasama sa baby ang ginagawa mo, Charry?" Tanong ng ever inosenteng si Reese.

"Hindi naman. Maganda nga 'yong lagi akong good mood para huwag lumabas si baby na katulad ng Daddy niyang seryoso. Hihi." Kinikilig pa ang bruha, "Kumain na tayo ng lunch, gutom na ako."

"Kaloka ka ha! I-spoil mo muna kami sa hitsura nung beach resort na pupuntahan natin mamaya."

Eleven a.m pa lang kaya!

"Private resort 'yon, pagmamay-ari ni King Vhon! Huwag na nga, walang thrill kapag nagsabi ako ng detalye." Pakli niya at tumayo, nagpuntang kusina at umupo sa mesa.

Kita mo 'to! Payagan na, buntis eh.

"Mag-usap na kayo ni Castiel, Terry. Nagpakalasing siya kagabi, namimiss ka na daw niya." Reese

Miss niya ako? Talaga ba?! Haha! Ako din eh. Hays. Gago din kasi siya eh.

"Ewan ko sa unggoy na 'yon! May kasalanan pa siya sa akin!" Humalukipkip pa ako.

"Kunwari ka pa, kinikilig ka naman diyan. Haha!" Pierre

"Pinagsasabi mo?" Halata ba ako? Haha! Naman! Mahal ko ang unggoy na 'yon eh.

"Lumalaki ang butas ng ilong mo, Terry. Ibig sabihin, hindi ka naman talaga galit. Miss mo na din ba siya?" Reese

Humagalpak ng tawa si Pierre. Napanguso na lang ako at pumunta sa hapag. Kakain na lang din ako. Ikakain ko na lang ang nararamdaman ko!

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon