Chapter 50

8K 232 2
                                    

Reese

Nakatulog ako sa biyahe at paggising ko ay tuyo na ako. Nakasuot ng bagong damit, isang puting bestida na abot hanggang tuhod.  Tinanong ko ang mga nakabantay kung nasaan ako pero hindi nila ako iniimik.

Lumabas kami sa kwartong hinihigaan ko kanina at naglalakad kami sa malawak na pasilyo ng sinalubong niya kami.

"Wala 'to sa usapan." Binungad niya ako ng may kasamang yakap at may ngiting malawak.

Si Papa Dimitrios, ang taong nanakit kay Papa Hideo. Ang taong nagpadukot kay Ashton at ngayon ay ang taong gagamitin ako para sa pansarili niyang mithiin.

"Welcome, my dear. Come, I'll show you something." Inakay niya ako palapit sa isang pinto.

Nasaan si Ashton? Bakit wala siya dito?

Pinagbuksan kami ng isang bantay at pagpasok namin ay inilibot ko ang aking paningin. Maraming laboratory computers at mga taong naka-lab gown ang mga abala sa kanya kanyang gawain.

Pagtingin ko sa dulo ay napako ako sa mismong kinatatayuan ko.

Parang nawalan ako ng hininga... naubusan ng hanging ibubuga ng makita ko kung sino ang nasa loob ng malaking kristal.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo ako papunta sa direksyon niya. Marami ang humaharang sa akin ngunit napatigil sila ng sumigaw si Papa Dimitrios na hayaan ako. Nang makalapit ako sa kristal ay tinitigan ko siya ng ilang segundo. Halos isubsob ko ang sarili ko sa kristal makita ko lang kung ayos siya. Kung may mga pasa ba siya o sugat.

"Ashton..." Mahinang usal ko sa kanyang pangalan.

Ang lakas ng kabog ng puso ko, gusto ko na siyang mahawakan at mayakap.

Nagpalakad lakad ako hanggang sa makita ko ang pinto. Sinubukan kong buksan iyon pero hindi ko magawa. Bakit?

Tinignan ko uli siya. Bakit tulala lang siya? Bakit parang wala siya sa sarili niya?

Kinalampag ko ang pinto pero wala pa ding epekto. Nilapitan ko si Papa Dimitrios. Hindi. Dimitrios lang dapat. Hindi ko na siya tatawaging ama dahil sa ginawa niya kay Ashton.

Hinawakan ko siya sa mga dalawang balikat ng mahigpit. Dumilim ang mukha niya sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

"Buksan mo ang pinto. Pakawalan mo na siya."

Gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi.

Kahit ama ko siya, wala na talaga akong respeto na natitira pa para sa kanya. Napakawalang puso niya.

"Sure, my child. I'll set him free but he will lose his consciousness forever. Is that fine with you?" Isa siyang demonyo.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Ano ang ginawa niya kay Ashton?

Bakit ganun siya? Bakit... Gagawin niyang baliw si Ashton? Hindi maaari. Hindi ako makapapayag.

"Well, let's just say that your boyfriend there is suffering from a very dangerous state of unconsciousness. Tahimik lang siya at tulala pero sa loob ng utak niya ay paulit ulit na siyang pinapatay doon."

Halos matumba na siya nang sa isang iglap lang ay tumama sa pisngi niya ang kamao ko. Sinuntok ko siya at wala na akong pakialam kung ano ang iisipin o gagawin niya sa akin.

Lalapitan ko pa sana siya ng may dalawang katao na humawak sa magkabilang braso ko. Hinatak nila ako palayo kay Dimitrios, tinulak ako at may isa pang lumapit sa akin na may hawak na isang baril. Napaupo ako at napahawak sa parteng nasa puso ko ng patamaan niya ako sa balikat.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon