Chapter 32

9.7K 314 9
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

"What?"

"Hindi ko maialis sa utak ko ang sinabi nung babae bago mo siya patayin. May problema ka ba sa pamilya mo?"

"None. That's how life goes as a Mafia member, halos araw-araw kang makakatanggap ng banta." Kampante niyang sagot.

"Sigurado ka? Pang-ilan na siya sa sumugod sa iyo?"

"Siya ang una, but... Her friends have killed thirteen of our men already. Thirteen lives for four days."

"Natatakot ka ba?"

"I'm not scared for myself. I'm scared for my family's sake and you. Wala ka namang napapansin na umaaligid sa iyo, diba?"

"Si Aidan." Tukoy ko sa kapatid ni Leonora na liban sa kanya ay palaging nakasunod sa amin. Sa akin.

"That bastard. Don't get near him again. Don't talk to him. Just... Stay away from him, okay?"

Hindi na ako kilala ni Aidan, kaya hindi niya na din ako malalapitan o makakausap. I've erased his memories about me. Ngunit hindi ko alam kung bakit sinusundan niya pa rin ako.

"Nakapag-usap na kami at napagkasunduang magkalimutan na. Pabayaan na lang natin siya."

"He's pissing me off." Nalukot ang mukha niya at umiwas ng tingin.

"Ano ba ang nangyari sa inyo at galit na galit ka sa kanya?"

"It's the other way around. He's mad at me. He abhors me." Seryoso niyang saad.

"Bakit?"

Kung ganun, siya ang may kasalanan? Ngunit kung pagbabasehan sa inaakto at pananalita niya, parang si Aidan pa ang may nagawang mali sa kanya.

"I killed his beloved fiance." Blanko niya akong tinignan at ibinalik sa daan ang atensyon.

"Sa ano'ng rason?"

"It's not that important. A waste of time. The only thing I'm thinking about why he's​ trying to get close with you is because he wants me to suffer. He wants to kill me slowly... Inside."

Hinawakan ko siya sa balikat at pinisil iyon ng mahina.

"Kailangan niyong mag-usap, Ashton. Huwag kang mahihiya na ibaba ang pride mo, dati siyang kaibigan. Magagalit siya sa umpisa pero kung pinapahalagan pa niya ang pagkakaibigan niyo, mapapatawad ka niya."

"Hmm. I'll think about it." He sighed deeply, "Ilang minuto pa bago tayo makarating sa syudad. May gusto ka bang bilhin?"

"Wala naman akong maisip."

Sobrang tahimik ng paligid. Ramdam ko ang pag-umbok ng kotse kapag nadadaanan sa mga bato ang goma nito. Hindi na din siya nagsalita pa, bagkus ay hinawakan niya ang isang kamay ko. Nagmamaneho na siya ngayon na isang kamay lang ang nakahawak sa manibela.

Pinisil niya ang palad ko.

"I will only do this for the first time, and hopefully the last. Don't you dare open your eyes. Or else, I'll kiss you. Are we clear?"

"Masusunod"

"When I'm old and grown
I won't sleep alone, woah oh
Every single moment will be faded into you
That's some type of love
That's some type of love."

Pumailanlang ang isang malamig na boses. Kumakanta siya? Kinakantahan niya ako? Totoo ba ito?

"And I won't sing the blues
Cause all I need is you, woah oh
Every single question will be answered all by you
That's some type of love
That's some type of love." maganda ang boses niya. Hindi ko inakalang may nakatago pala siyang talento.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon