Charry Medina
Sa dami nang napagkwentuhan namin, bakit napunta pa tungkol sa love na 'yan!Love. Makapangyarihang salita na kaya kang sirain ng madalian. Hindi 'yon basta-basta mahahanap at naibibigay.
Okay fine. Kahapon pa namin napag-usapan 'yon pero hindi ako maka get over. Kinantiyawan ako ni Terry at si Reese naman walang tigil sa mga tanong niya. Ano daw ba ang nangyari sa amin ni Ford. Bakit, paano, gano'n, ganyan.
Isa pa 'yang si Reese eh, hindi ako galit. Nagtatampo lang ako, ayaw ko kasi na nauungkat pa ang past ko. Marami akong nagawang mali sa nakaraan at ayaw ko nang ibalik pa 'yon. What's bothering me is Reese. Ang manhid niya talaga. Insensitive pa. Hmp. Hindi ko na muna sila papansinin ni Terry pag-uwi ko mamaya. Baka pagtripan na naman ako ng mga 'yon.
Argh! Bakit ba naaalala ko na naman siya?!
Tsk. I hate myself for falling to someone who never took me seriously. Pag ako naka move on? Humanda ka sa akin, Ford Thompson!
"Aray!" Muntik na akong matumba, buti na lang nasalo ako ng kung sinong bumangga sa akin.
"Watch where you're going. Tsk." Napabitaw ako sa kanya at napatayo ng tuwid. Boses niya pa lang ay sumasama ba ang mood ko.
"Paki mo ba?"
"Just say sorry, nerdy. And this conversation is over." Akala mo naman bagay sa kanya. Ang pangit mo!
"Nakasalamin lang sa mata, nerd agad? Mga genius ang ganitong postora." Cross arms akong tumalikod at iniwan siya do'n.
"You know what, sweetheart. Papatawarin kita ngayon, pero hindi ko kakalimutan ang panloloko mo sa akin noon." This guy is no other than Ford Thompson. Ang walanghiya!
Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"Ang kapal din ng mukha mo, ano? Ano'ng panloloko ang pinagsasasabi mo? Ikaw nga itong malandi! Magsama kayo ng mga babae mo!" Akma ko na siyang tatalikuran ulit ng hawakan niya ako sa braso.
"Ako pa ang malandi? Sigurado ka? As far as I know, ikaw itong may tinatagong kalandian sa loob mo. Bakit nga pala hindi ka pa nagkaka-boyfriend ulit? Wala ka na bang makita na mas masarap sa kama ngayon? O baka naman napagsawaan ka na ng mga lalaki m-"
Slap!
Napahawak siya sa kaliwang pisngi niya. Sana ay magising na siya sa alakas ng sampal ko. Ang kapal-kapal ng mukha niya!
Pinahid ko ang pisngi kong basa na sa luha at matapang na sinalubong ang mga mata niya.
"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan! Higit kanino man, mas k-kilala mo ako! I hate you so damn much!"
Tumakbo na ako palayo sa kanya at hindi ko na siya nilingon pa.
Ayaw ko nang umiyak! Sinusumpa ko, Ford! Ito na ang huling beses na makikita mo ang mahinang Charry! Humanda ka!
Napatigil ako sa pagtakbo ng may humarang sa daan ko. Ang malas ko naman, mukhang sa clinic na ang bagsak ko nito.
"Well, well, well. The tech genius is finally here. Mukhang hindi na naman maganda ang pagkikita niyo ni King Ford ah. Pity you, Charry." Isa sa mga babae ng lalaking 'yon. Si Dina.
Abah, sa kanya na si Ford! Kanyang-kanya na! Tutal naman ay pareho silang malandi!
"What do you want, Dina?"
May tumabi sa kanyang tatlong alipores niya na may dalang mga armas. Isang katana?! Dalawang baseball bat?!
Oh my god. Hindi pa po ako ready mamatay! Babawi pa po ako sa parents ko!
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...