Chapter 17

12.2K 419 21
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

Habang nasa biyahe kami ni Aidan ay may biglang humarang sa daan, may bumaba doon na lalaki at lumapit sa kotse namin. Ang sabi ay pinapasundo ako ni Ashton. Sumama ako ng walang alinlangan, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan at hindi ako nagkamali. Dinala niya ako sa bahay ni Ashton at nakita ko siyang nakaupo, naghihintay sa loob ng kanyang opisina. Opisina niya, sabi na din ng sumundo sa akin.

Malaki ang bahay nila, wala pa sa kalahati ang laki ng bahay namin kung ikokompara ang mga ito. Malawak ang pasilyo at makikita ang karangyaan sa mga mwebles na nandoon. Hindi din maikakaila na malaki ang respeto ng mga katulong nila sa kanya. Kung paano sila makitungo sa kanya lalo na no'ng pagbaba namin ay yumuko silang lahat sa kanyang harapan.

"I will make this clear for once so listen carefully, lady." Biglang harap niya sa akin.

Napatigil naman ako sa pagbuntot sa likod niya, "Ano 'yon?"

"Hindi kita gagastusan katulad ng ginawa ni Aidan sa'yo. I already used my parents' dirty money to purchase you so don't think that I will waste even a single cent again."

"Ah. Okay lang. Ako ang may respnsibilidad na sundin ka at huwag magreklamo dahil may kasunduan tayo. Hindi mo naman talaga kailangan na gumastos sa akin."

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Muli siyang tunalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad, "Do you know how to ride a horse?"

"Medyo." Maraming show sa TV na napanood ko na, may alam rin ako kung paano ang sumakay at paamuhin ang kabayo.

"Sumagot ka ng maayos." Paninita niya sa akin.

"Marunong ako."

Nakasunod ako sa kanya kaya malayang napagmamasdan ko ang kanyang likod. Magkasing-edad lang kami pero masyado nang nahasa ang pisikal niyang katawan. Kung magsalita rin siya ay mature na at pagalit lalo na kung ako ang kausap.

Pansin ko naman lagi na hindi siya masyadong nagsusuklay. Nagpupulbo siya minsan ng kanyang likod. Iisang brand lang ng perfume ang kanyang ginagamit. Wala rin siyang ni isang suot na alahas kahit relos.

"Ang cellphone ko nga pala, Ashton."

Muli ako'ng natigil sa paglalakad ng walang warning na tumigil siya at harapin ako. Mukha naman siyang iritable.

"I'll give it back later. Bakit? May hinhintay ka ba na tawag? A boyfriend or someone?"

"Wala naman."

"Tss." Tumalikod na naman siya.

"Sir Vhon!" Tawag sa kanya ng lalaling papalapit. Naka-cowboy outfit ito at nasa mid-thirties ang edad.

"Where's Thunder?"

Habang nag-uusap sila ay naglakad-lakad ako sa kwadra ng mga kabayo. Matataas ang mga kabayo nila rito at matitikas. Halata na inaalagaan ang mga ito ng maayos.

"Napakakisig."

"They better be. Masyadong malaki ang ginagastos sa kanila para lang magmukhang sakitin." Nilingon niya ako saka binalik ang atensyon sa kabayo, "His name is Thunder. This white guy is Lincoln."

"May pangalan rin pala sila."

"Magpalit ka ng boots at magsuot ka ng sombrero. Magpatulong ka kay Nico na umakyat ng kabayo kapag tapos ka na sa pagpapalit. May pupuntahan tayo."

"Okay."

Lumapit sa akin ang Nico na tinutukoy niya na may bitbit ng pares ng boots at isang summer hat. Kontodo ngiti siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon