Chapter 37

8.4K 259 7
                                    

Ford

"Get inside. I'll handle this one." Nagpahid siya ng dugo sa gilid ng kanyang labi.

Tsk. If only Vhon sees her like this, he would surely freak out.

Nakita namin ang ginawa niya kani-kanina lang sa anim na lalaki. Parang iba siyang tao, she's creepy. At ngayon naman ay may kalaban siya, clone nga daw sabi ng Mama niya. Madali naman silang makikilala kung sino ang totoo at peke. The original one doesn't have changes in her face, she can endure the pain. The fake one can smirk and laugh, I heard how she groan when Reese punched her hard. Napadura pa siya ng dugo.

"Okay." Tumakbo na ako papasok at inaasahan ko na ang mga goons na sasalubong sa amin. And I feel disappointed. Clones lahat ang nakikita ko, kanina lang yong mga lalaki sa labas. Sila lang.

"I don't beat up girls, do you?" Tanong ko sa kanila.

Nagstretching sila at pasipol-sipol na nilampasan ako.

Bastards.

"They're clones, nothing more. Wala akong pakialam kung babae sila." Alejandro

I badly want to see her. My love. I'm coming!

"Una na ako." Binilisan ko ang lakad papasok ng mansyon. Pagbukas ko ng main door ay sobrang tahimik ng lugar. Nakaramdam ako ng panlalamig. Nilalamig ako na may kasamang kaba at takot.

Sana lang, hindi siya nila sinaktan. God knows what I can do if something happens to them.

Hinalughog ko ang buong mansion, nagsimula ako sa ground floor hanggang sa third floor. Nang makaabot ako ng huling palapag ay halos mawalan na ako ng hininga dahil sa pagod. Pero hindi, hahanapin ko siya.

Nawalan na ako ng pag-asa nang sa pagbukas ko ng huling pinto ay wala pa ding Charry na bumungad sa akin. Inulit kong pasukan at tinignan ang lahat ng pinto na binuksan ko kanina pero wala pa din siya, wala sila ng Papa ni Reese. Walang Charry na nakangiti lagi sa akin, 'yong mahilig maglambing at suklayin ang buhok ko. Yong Charry na sobrang miss ko na kahit isang araw pa lang kaming hindi nagkikita. Yong babaeng mahal na mahal ko at hindi ko matiis.

Wala siya dito, nasaan na ba siya?!

Tangna! Mapapatay ko sila!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakaka-frustrate, nakakainis! Nakakapanggalit! Naloko ba kami? Pero walang palya sina Alejandro sa paghahanap ng mga bagay gamit ang tracking device. They can even cheat in online games and hack different websites. They can make viruses and many more. Hell!

Damn it, love. Nasaan ka na ba? I miss you. Just be safe. Hindi ako titigil hangga't hindi kita naililigtas, huwag ka lang susuko.

Hindi ko na ulit papayagan na mangyari ang ganito. Malilintikan sa akin ang mga nanakit sa iyo, sa inyo ng baby natin. Humanda sila!

Sobrang bigat ng mga paa ko na naglakad papunta sa isang couch. Tagaktak na ang pawis ko sa mukha, basang basa na din ang mga paa ko kakatakbo at lakad. Hindi ko iniinda ang sakit ng katawan, pagod sa paghahanap sa kanya sa buong mansion. Uulitin ko na lang ulit, baka hindi ko lang siya nakita.

Tumayo ako at akmang aakyat na sa hagdan nang may tumilapon papasok at nabunggo sa inupuan kong bangko. Wasak ang kristal na pinaanggalingan niya. Pumasok doon si Reese at nilapitan ang kanyang clone. Sinakal niya iyon at itinaas sa ere. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginagawa niya. That's how strong she is?

Nakasunod sa likod niya ang mga kaibigan ko na humahangos at basa na din ng pawis.

"Nasaan sila?" Halos hindi na makahinga ang clone niya. Kung gaano niya ito sakalin, parang ayaw kong isipin na malagay ako sa sitwasyon ng babae.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon