Chapter 52

8.1K 228 6
                                    

Vhon

Ilang araw na ba?

Isa?

Dalawa?

Tatlo?

No. It's already a week.

Isang linggong unti unti na pagpatay sa akin. Isang linggong physical and emotional torture.

Seeing her inside that capsule is killing me slowly.

Wala akong magawa kundi ang tignan lang siyang nakalutang doon. Maya't maya ay may lalapit at tinitingnan kung may pagbabago sa kanya.

She's just sleeping, without knowing what's happening in her sorroundings. That I'm just here, waiting for her to wake up.

Bakit ba kasi ang tagal nila kaming mahanap?! Bakit ba kasi ang babagal nilang kumilos?! Bakit ba kasi hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako sa isang milagro kahit alam ko na hindi iyon mangyayari?!

Pagod na pagod na ako at hinang hina. I don't even know why he is still keeping me here. Maybe it's his way of making me suffer. Do I deserve this kind of punishment? And Reese, does she deserve to be in prison inside that fucking capsule?

Ilang ulit na akong nagdasal, nanalangin na sana magising na siya. Ilang beses na ding tumulo ang mga luha ko kakaisip na sana wala siya sa loob niyan. Ilang beses na akong nagmura ng mga lumalapit sa kanya. Ilang beses nabugbog dahil sa ingay ko na halos mawalan na din ako ng boses. Lagi ko siyang tinatawag pero napaka-imposible na marinig niya ako.

At sa tuwing binubogbog nila ako, kinukunan nila ako ng video. Pinapadala sa pamilya ko upang pahirapan din sila. And I know, simula ng unang nagpadala sila, laging umiiyak si Mom. She's so strict, yet a crybaby. She worries too much about us kahit hindi kami madalas na nagkakasama.

Si Reese? They're​ giving her a daily dosage of sleeping drug, a therapeutic one. Lahat na yata ng kemikal na nakita ko sa gilid ng mga computer laboratory nila ay nailagay na sa kanya.

Ano pa ba ang kulang? Kulang na lang gawin siya nilang human robot, a Droid! She looks lifeless inside!

Bakit ba kasi napakahayop ng ama niya?! Bakit ba kasi siya pa ang naging ama ng babaeng mahal ko?! At sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit siya pa ang nandiyan? Bakit kami pa?

This is not the kind of life I have been wanting for the both of us, for her.

But if it's destiny's plan, I'm on it. I won't give up, not here not now. Never!

"I will never let you fall, sweetheart. I'll stand up with you.. forever."

*******

Hideo

Isang linggo na silang nawawala.

Mabaliw baliw na kaming lahat kakahanap sa kanya, sa kanilang dalawa.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kung hindi mo sana pinairal ang kakitiran ng ulo mo hindi sana tayo nagkakaganito!" Glorietta

"Can you just please lower down your voice, wife? Ilang beses ko ng sinabi na nagsisisi na ako, diba?" Zander

Nandito kami sa mansyon ng mga Black. Since this is our daughter's wish, to keep us safe and we will stay here until this problem is over.

Kailangan na namin siyang mabawi sa lalong madaling panahon. Baka kung ano na ang ginagawa sa kanya ni Dimitrios.

"Oo at hindi sapat ang lahat ng iyon! Sana hindi nangyayari ang lahat ng ito sa panganay natin! Sana hindi siya pinapahirapan ni Dimitrios ngayon!" Glorietta

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon