*******
Pasan pasan si Vhon ng isang lalake na may malaking katawan at ipinasok siya nito sa loob ng isang malaking kristal na pabilog. Inihiga siya nito sa gitnang espasyo at iniwan kaagad. Walang malay ang binata at hindi alam ang susunod na mangyayari sa kanya.
Napaungol siya sa sakit ng kanyang katawan. Ilang saglit siyang nakatingin sa kawalan ng biglang may lumabas na puting usok sa tuktok ng kanyang kinahihigaan. Sinubukan niyang bumangon ngunit sa paglanghap niya ng usok ay sinalakay siya ng antok. Hindi niya alam na ang usok na iyon ang magbibigay sa kanya ng kalbaryo.
Samantala, nakatayo sa labas ng kristal at madilim ang mukhang nakatitig sa kanya si Dimitrios. Sa isip niya ay makakamit niya na ang isa sa kanyang mithiin.
Ang makaganti sa um-agrabyado sa kanyang pamilya. Ang mapatay ang tagapagmana ng Black Mafia at upang makuha niya ang kanyang anak na dalaga. Magiging hadlang ang binatilyo sa kanyang mga plano hangga't nabubuhay pa ito. Nakikinita niya na ang binatilyo ang siyang kahinaan ng kanyang anak.
*******
Himbing na himbing sa pagtulog si Vhon sa loob ng ilang oras dahil sa ginawang pagbugbog sa kanya ng mga tauhan ni Dimitrios, dagdagan pa ng usok na nalanghap niya kanina na may kasamang kung anong kemikal.
Ilang sandali pa ay nagising siya at napabangon. Tulala siyang nakatingin sa kawalan ngunit sa kanyang utak ay nagsimula na ang mga masasamang bagay.
"Sweetheart, gusto mo ba nito?" Sinalubong ng isang pamilyar na babae si Vhon na may bitbit na isang tray ng pagkain na siya mismo ang nagluto.
May ngiting sumilay sa kanyang mga labi at nilapitan ito.
Wala siyang alam na tanging sa imahinasyon at pag-iisip niya lang ang lahat ng mangyayari sa kanya.
"Everything from you, sweetheart." Niyakap niya ito sa bewang at hinalikan ang tungki ng ilong.
"Baka mahulog 'to, huwag kang makulit." Nakangiti nitong suway sa kanya.
Nakangiti?
No. My sweetheart never smiled in front of me. Her face is always blank and her eyes are always emotionless.
Napaatras siya mula dito at dahan dahang inilapag ng babaeng kamukha ni Reese sa mesa ang hinanda nitong pagkain para sa kanya.
"Hindi ikaw si Reese."
"Wala naman akong sinabing ako siya. Sweet... Heart..." Nakangisi siya nitong sinunggaban ngunit nagpumiglas si Vhon at itinulak ng malakas ang babae.
Napayuko ito at humikbi.
"Ako 'to, Ashton. Hindi mo na ba ako mahal?" Inangat nito ang kanyang luhaang mukha at nakita ni Vhon ang kulay abo niyang mga mata.
"Hindi ikaw ang babaeng mahal ko!" Sigaw niya dito. Bigla namang nag-iba ang hitsura nito.
Naging matigas ang kanyang ekspresyon at kaagad siya nitong sinugod at sinakal.
"Sweetheart... Ayaw mo na ba sa akin?" Lumamlam ang mga kulay ng kanyang mata at yumuko siya malapit sa mukha ni Vhon.
"Hindi... Hindi ikaw ang babaeng minahal ko."
Napabalikwas siya bigla ng may naramdaman siyang sumampal sa kanyang mukha. Nilingon niya ito at sinulyapan.
Kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...