Reese
Napamulat ako ng dahan dahan ng may maramdaman akong nakahawak sa aking pisngi. Ilang ulit akong napakurap hanggang sa maging malinaw sa akin ang buong paligid. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay ngunit hindi ko magawa. Napagtanto ko kung ano ang nangyayari sa akin ng sulyapan ko ang mga braso ko. Nakatali ako sa isang upuan, pati na din ang aking mga paa.
Ilang segundo lang akong nayuko ng may bumuhos ng malamig na tubig sa akin. Inangat ko ang aking tingin sa nagsaboy sa akin at nakita ko ang nakangisi niyang mukha. Ang mataray na babae kagabi.
"Ang saya, diba?" Bungad niya sa akin.
Lumapit siya sa lalaking nakayuko sa harap ko, na katulad sa akin ay nakagapos din sa bangko niya at tulog pa hanggang ngayon.
"Reed." Tawag ko sa aking kapatid.
Hinawakan niya sa buhok ang kapatid ko at walang anong inangat ng marahas ang mukha niya. Kinuyom ko ang aking mga kamay at tinignan ng diretso sa mga mata niya ang babae.
"Sorry to disappoint you but it won't work, dear. We have been warned already about your special ability so it has no use to us. Lahat kami ay may contacts ngayon." Pang-uuyam niya.
"Kakausapin ko si Ashton. At bitawan mo ang kapatid ko."
"So cold, dangerous, and serious. I'm just wondering, you never raised your voice. Why is that?" Hindi niya pa din binibitawan ang kapatid ko.
"Ano ang ginawa niyo sa kanya?"
"Oh, I think may special ability ka pa siguro na tinatago or because you're just like that." Wala akong makukuha na matinong sagot sa kanya.
Kailangan kong makausap si Ashton, siya lang ang tanging paraan upang mailigtas ko si Reed.
"I heard, this twin of yours isn't as strong as you are. Bakit kaya? Para ba kayong trial and error?" Parang gustong magwala ng loob ko sa sinasabi niya. Sa tono ng pananalita niya, parang iniinsulto niya kaming magkapatid.
Ayaw ko sa tabas ng dila niya.
Pumikit ako ng ilang segundo at pagmulat ko ay naging abo ang kulay ng aking mga mata. Hinatak ko ang kamay ko sa tali, hindi pa nakakalas.
Tumawa siya sa ginawa ko pero kaagad din siyang naalarma ng paunti unti kong natatanggal ang mga kamay ko sa pagkakagapos. Inilabas niya ang kanyang baril at tinutok iyon sa ulo ng kambal ko.
Itinigil ko ang ginagawa ko, baka mapatay niya si Reed kapag nagkataong pinilit ko na makalas ang kamay ko sa pagkakatali.
"Axel! Pumasok ka nga dito!" Mukha siyang nataranta sa tono ng pagtawag niya.
Pumasok ang isang lalake na blonde ang buhok at may suot na eyeglasses.
"Ano'ng ginagawa mo? Gusto mo bang malintikan kay Boss?" Bulalas ng lalake sa ginagawa niya.
"Ikadena mo 'yan. Masyadong malakas, muntik niya ng makalas ang tali. Bilisan mo!" Tumalima naman kaagad ang lalake at lumapit siya sa akin.
Umupo siya sa harapan ko at tinitigan ko lang siya ng posasan niya ako. Kinadena niya din ang aking mga paa. Naninigurado na at baka makawala pa ako.
"Sorry ha? Medyo mainitin lang talaga ang ulo niyang pinsan ko, gutom ka na ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Mas mahalaga ang kambal ko, huwag niyo siyang sasaktan at pababayaan. Kaya ko na ang sarili ko."
"Hmm. Ikukuha ko lang kayo ng makakain. Tara na Anne, hayaan muna natin silang makapagpahinga." Pinaningkitan niya ako ng mga mata bago sumunod sa pinsan niyang lumabas. Anne pala ang pangalan niya, humanda siya at babalikan ko talaga siya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...