*******
Lulan ng ambulansya ay mabilisan ang pagbaba sa stretcher kay Vhon at nagkukumahog ang mga nurse at doktor na sumalubong dito na maipasok siya sa operating room.
"Save my son! Magbabayad ako kahit magkano basta iligtas niyo lang siya!" Nakikitulak din si Zander sa stretcher ng anak. May mga bakas ng dugo sa suit nito na mula kay Vhon.
Tinawagan niya na ang kanyang asawa at papunta na din ito sa Camaro General Hospital. Hindi niya sinabi ang kalagayan ng anak kay Glorietta ngunit natitiyak niyang hindi nito magugustuhan ang malalaman.
"I'm sorry Sir, pero hanggang dito na lang kayo." Pigil sa kanya ng isang nurse.
Gusto niya sanang samahan ang anak sa loob ngunit alam niyang makakaabala lang siya. Sa ngayon ay wala siyang ibang magagawa kundi ang manalangin para sa kaligtasan nito.
Ilang minuto ang lumipas ay kompleto na ang kanyang mag-ina na kakadating lang. Imbes na salubungin siya ng yakap ay sampal ang inabot niya kay Glorietta.
"Mommy!" Nabiglang sigaw nina Cindy at Vhien.
"This is all your fault!" Naluluha at ninerbyos na sisi sa kanya nito, "Kung hindi dahil sa paghihiganti mo ay hindi sana umabot sa ganito ang anak ko!" Bulyaw nito na tuluyan nang bumigay.
"I'm really sorry, wife. Kung pwede ko lang sanang ipagpalit kami ng anak ko ay ginawa ko na. Hindi ko ito ginusto." Pagpapaliwanag ni Zander na hindi niyo pinakinggan.
"Your sorry will never be enough!" Tinulak-tulak siya nito at tunong galit, "If I lose my eldest, you will lose this family!"
"Mommy, don't say that!" Umiiyak na awat ni Cindy love sa ina. Inilayo siya ni Vhien sa mag-asawa at ibinigay kina Aiko.
"Ialis niyo muna dito si Cindy, kuya Aiko. Umuwi kayo. Bukas na lang kayo bumalik." Utos niya na kaagad naman nitong sinunod.
"Opo, young master. Ako na ang bahala kay young lady. Magpakatatag kayo." Yumuko ito at akmang bubuhatin ang bunso ng pigilan siya nito."Pwede ba, I'm not a kid anymore! And kuya, I want to stay here! Kuya needs me!" Iyak nito na mas lalo pang lumakas, "Huhuhu! And now lool at out parents! Nag-aaway sila!"
"No Cindy, go home. Sa tingin mo ba ay gusto ni kuya na pati ang prinsesa niya ay naghihirap din?" Kapagkuwan ay umiling ito, "Bumalik ka na lang bukas, okay?"
"Pare nasaan na siya?" Salubong sa kanya ng pitong binatilyo.
"Nasa OR kuya, kakapasok lang din ng Daddy ni kuya Mario." Nanunubig na ang mga mata ni Vhien sa pagpigil na maiyak sa harapan ng pamilya, tauhan at mga kaibigan ng kanyang kapatid.
"Let's pray. Vhon will get through this." Pampalakas loob sa kanya ni Ford na sinang-ayunan niya.
*******
Panaka-nakang napapatingin ang lahat ng nakaupo sa gilid ng operating room ni Vhon. Nasa mahigit dalawang oras na mula ng umpisahan ang operasyon ngunit wala pang lumalabas sa silid na doktor. May dalawang nurse kanina na nagkukumahog sa paglabas pasok ang hindi sila sinasagot dahil hindi pa tapos ang operasyon.
Napapatulala ang mag-asawa sa sobrang pag-aalala at takot na mawala sa kanila ang panganay na anak. Ni hindi pa nakapalit ng damit ang lahat simula nung dumating sila sa ospital. May mapapayuko at mapapatingala sa kisame si Zander. Si Glorietta naman ay naluluha sa tuwing naiisip ang sitwasyon ng anak sa loob ng silid.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...