Reese Elizabeth Cohlsin
"Jusko, Reese! Ako yata ang mamamatay sa kilig sa nangyari kanina!" Pinaghahampas na may kasamang yugyog si Terry sa balikat ko, "Akalain mo at nasungkit mo ang puso ng mga pinakapoging hari rito sa Academy?!"
"Hindi mo naiintindihan--"
"How to be you, Reese? Ang swerte mo. Hihi!" Sinayaw-sayaw naman ni Charry ang kabilang kamay ko, "Worth it talaga ang pagpunta natin dito!"
"Kasi--"
"Kung ako 'yong pinag-agawan kanina, jusko! Baka humandusay na ako sa sahig sa sobrang tuwa!" Lumakas pa ang yugyog ni Terry sa akin, "Hindi lang worth it, super worth it! Sino nga ulit nag-ayos sa'yo?"
"Kayo-"
"Eeeh! Sana kasing saya ng lovelife mo ang buhay namin, Reese!" Niyakap ako ng mahigpit ni Charry, "Pero alam mo... Masaya na rin ako kasi nakasayaw ako kanina. Hihi." Mahinang bulong niya na rinig na rinig ko naman.
Itinaas ko ang kanang palad ko upang awatin sila sa pagsasalita, "Mali ang iniisip niyo. Inaasar lang ni Aidan si Ashton kaya iyon nangyari."
"Wala kaming pakialam kung ano ang totoong rason, girl! Ang mahalaga ay kinilig kami ng bongga! Haha! That was the very first time na nawala sa sarili niya si Vhon. Jusko! My heart!" Umaktong mahihimatay si Terry.
"Ladies and gentlemen, please, leave the marked area now. The game of death will start within ten minutes. To the unfortunate ones, please lang, pumunta na kayong lahat sa gitna. May mga bandage na kayo sa braso bilang simbolo ng pagiging target niyo ngayong gabi. Defend and survive yourselves!"
Sa anunsyo ni Miss Alarcon ay tumabi na kami habang lahat ng kasali sa laro ay pumagitna na. Bakas sa kanilang mukha ang takot at nerbyos. May ibang napapadasal na at umiiyak.
"Para saan naman 'yan?" Tanong ko kina Terry nang makitang may mga hinihila ang ilang estudyante na mga barandilya.
"Ah 'yan... Magsisilbing barricade ng arena para hindi makatakas ang mga newbies na nasa loob. Kawawa talaga sila." Kabadong sagot ni Terry, "Malaki na itong arena dahil sa dami ng manlalaro ngayon."
"Pagkatapos ng Game of Death ay magpapatuloy ang disco! Hangga't may sumasayaw at nagsasaya ay hindi tayo titigil sa pagparty!"
Naipilig ko ang aking ulo sa tinis ng boses ni Miss Alarcon, dagdagan pa na masyadong malakas ang sound system.
"Umuwi na tayo." Yakag sa amin ni Charry, "Hindi ko kayang manood na may pinapatay sa mismong harapan ko."
"Tatawagin ko sina Ford para pakiusapan na ihatid kayo. Magpapaiwan ako rito."
"Manonood lang?" Paniniyak ni Terry.
"Hmm." Walang ayos na sagot ko.
"Reese... Huwag ka nang makisali. Umuwi na lang tayo." Pamimilit ni Charry, "Baka mamaya ay nandito pa ang gustong manaksak sa atin kanina."
"Malalaman ko kapag nasa malapit siya." Itinulak ko sila ng mahina nang dumaan ang grupo nina Leonora kasama ang kanyang mga alipores, "Bakit?" Tanong ko nang tumigil siya sa mismong harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...