Reese Elizabeth Cohlsin
"Be careful with Therese."
Pumwesto ako sa gitna kung saan makikita ko ang mga hahampas na manlalaro. Hindi masyadong malapit sa pitcher, hindi rin masyadong malapit sa ibang kasamahan ko.
Kakaiba ang championship game na ito. May tigwalong kasapi ang bawat grupo kasama na ang pitcher at bantay sa likod ng player. Ang pinagkaiba lang ay ang ibang myembro ng maglalarong team ay katabi ng pitcher at hahabulin rin ang bola, hindi nila pwedeng hawakan o saluin kaya ang taya na magsasalo ang pupuntiryahin nila. Pwede rin nilang balian, tadyakan o saktan sa kahit ano'ng paraan ang taya na mga myembro na hahabol sa bola.
Ang ibang kaklase namin ay naghihintay sa bench na pwedeng pumalit sa mga masasaktan at hindi na makkayang maglaro mamaya.
Hindi rin gagamit ng bat, kundi mismong kamao namin. Wala na rin ang helmets pero may gloves pa naman.
Ang unang maglalaro ay si Therese. Habang natakbo ay pwede niyang balian ang nagbabantay sa mga base kapag sinubukan ng mga ito na i-out siya.
Nilibot ko ng tingin ang lima ko pa na mga kasama na nakapwesto na sa di kalayuan. Makakaya ko ba silang takbuhin kapag kinakailangan?
"Si Team Captain Ram ang pitcher ng STEM strand! Ang pitcher naman mamaya sa Business and Accountacy Management ay si Alejandro! Three rounds ito, mga bata! Kapag naka-home run ay five points! Ang normal scoring natin ay 1 point lang! No foul, no penalty. Huwag lang papatay!" Pumito na ang teacher namin, "First player, get ready! Ingat kayo!"
Pagsulyap ko kay Kelly ay nagsign of the cross siya.
Sobrang sikip ng PE Uniform ni Therese. Ang kanyang short ay sobrang ikli na para na siyang nagpanty. Kontodo ngiti pa siya na parang may binabalik na naman.
I'll erase that mischievous smile of hers.
Sina Ashton, Ford, Castiel at Al kasama ang isa pa nilang kaklase ay nakapila na sa likod ni Ram habang ang dalawa pa na kasunod ni Therese na papalo ay nakaabang na sa gilid.
"Umpisahan na championship game! Tandaan kids, ang mananalo ay exempted sa final exam!"
Diretsa lang ang tingin ko kay Therese. Lahat kami ay nakatutok ang atensyon sa kanya, nag-aabang kung saan titilapon ang bola.
Sumenyas si Ram at sa paghagis niya ng bola ay sinakto naman ni Therese na tamaan ito. Mataas at hindi masyadong mabilis ang paglipad ng bola na papunta kay Kelly. Bago ako tumakbo ay tinantsa ko muna ang agwat nina Ashton sa akin at kay Kelly.
"Saluhin mo." Tawag ko kay Kelly na sana ay naintindihan niya bago ako tumakbo papalapit sa kanya.
Bago pa man makalapit sina Ashton ay hinarangan ko na silang lima. Tumigil naman siya sa mismong harapan ko upang yakapin ako. Ang apat niya namang kasama ay tumakbo kay Kelly.
"Ah, sweetheart, I will not allow you to." Wika niya malapit sa tainga ko.
Paglingon ko kay Kelly ay hindi niya nasalo ang bola kaya hinayaan siya nina Al na pulutin ito at ihagis pabalik kay Ram na naghihintay. Si Therese naman ay nasa unang bato pa lang.
"No more next time, Ashton." Balik ko sa kanya bago siya tinulak ng marahan, "You better watch out." Makahulugang sabi ko.
"Hoy, Mr. Black at Miss Cohlsin!" Tawag sa amin ng PE Instructor, "Huwag niyo naman ipamukha sa akin kung gaano kalamig ang magiging pasko ko!"
Halos lahat naman ay nagtawanan.
Sunod na titira ang babae nilang kaklase. Kaya siguro lima silang lalaki sa kanila at tatlong babae, dahil habang maaga ay gusto nilang makapuntos ng malaki. O baka naman dahil sila na ang pinakamalakas sa klase nila.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...