Ford
I can't stop thinking about her. Kumain na kaya siya? Baka pinapabayaan nila siya. Baka sinasaktan? Damn. Ibabalik ko lahat ng sakit at takot na pinapadanas nila sa kanya. Ah. I just hope she's safe, unharmed.
My love. I will die of panic if something bad happens to her. Baka mawala ako sa tamang pag-iisip kapag may mangyaring masama sa kanya.
"Wake her up." Kailangan naming mapaamin si Reese. Patawarin ako ni Vhon at baka hindi ako makapagpigil na ma-harass ko ang girlfriend niya.
Kapag si Charry ang involved, hindi ako makakampante hangga't wala akong balita tungkol sa kanya. Malaman ko lang talaga na sinaktan nila siya, humanda sila. Doble o sampung beses ang ibabalik ko sa kanila.
Love, ano ba naman kasi ang pinasok mo? You know how much I hate worrying about you. Mababaliw ako kakaisip tungkol sa kanya. Kailangan nang magsalita ni Reese.
"No need." Just like what she did two months ago. Nagmulat siya ng mga mata at bumangon. Tumayo siya at lumapit sa bintana, dito namin siya dinala sa kwarto ni Vhon. Just think how possessive that friend of ours is, he will surely freak out if we let Reese sleep in another room here.
"Reese, tell us what you know. Kung sino ang kumuha sa kanya. Please." Pakiusap ko.
Dapat talaga hindi ko siya iniwan kagabi, sana nagpatagal pa ako kagabi kasama niya. Sana hindi siya nila nakuha. Sana kasama ko pa siya ngayon. Hindi na sana ako nag-aalala ng ganito kung hindi ko siya pinabayaan kagabi.
"Kailangan kong malaman ang lahat ng nalalaman niyo tungkol sa akin. Dapat nung umpisa pa lang kinompronta niyo na ako. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat. Naloko niya ako, naloko niya kami ni Ashton." Now I understand why she's numb at all, expressionless and emotionless.
Should I pity her for being a subject as a human weapon? Or should I be scared and fear her for being one? She's a walking weapon, a walking disaster. She is death herself. Paniguradong marami ang maghahabol sa kanya makuha lang siya at maangkin. At ano na lang ang mararamdaman ni Vhon kapag nalaman niya ito?
"Nakausap mo na siya, tama ba?" Alejandro
"Oo, ilang beses na. He fooled me-- big time. And now, I am his property. I thought we are somehow related and my intuitions aren't wrong. How silly, I looked stupid. I have done bad things and I can never bring back their lives." Ano ba ang sinasabi niya? Ang importante ay mailigtas namin si Charry. My love.
"You are made to kill, terminate, and be hated. Your father-"
Pinutol niya ang sinasabi ni Alejandro.
"Hindi ko siya ama, ang aking ama ay si Hideo Cohlsin. Siya ang totoong ama namin ni Reed, siya lang."
If she's just a normal girl, it must be very hard for her to accept the truth. Ano'ng klaseng tao ang magagawang gamitin ang sariling anak para gawing human subject? Damn that old man to the nth power.
"Ano pa?"
"All we know is what happened two years ago, that you were saved by Hideo and some underworld agents. Kung sino man ang gumawa ng site para sa experimentation niyo, paniguradong siya ang may alam sa lahat." Alejandro
"Siguro ay isa sa mga scientist na tinrabaho ako." sagot niya, "Si Charry, kinuha siya niya. Ipagdasal niyo na buhay pa siya at ako mismo ang magliligtas sa kanya."
And reality hit me. No. It can't be! Paano na lang ako kapag mawala siya? Sila?
My girlfriend is carrying our baby. She's four weeks pregnant. I should be glad of what she told me, pero mas nangingibabaw ang pangamba ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...