Reese Elizabeth Cohlsin
"Welcome to Black Academy, Reese Elizabeth Cohlsin. May you have a wonderful school year here. Two years ka din pala dito." Headmistress
"Salamat po, Headmistress. Ikinagagalak ko ang makapasok sa paaralan niyo." Yumuko ako ng bahagya upang magbigay galang sa kanya.
"You already have the map, right? Your designated rooms per subject with the strand you have chosen are already written there, as well as your temporary room here for two years as a student of Black Academy. Good luck." Headmistress
Lumabas na kami ng office at pumunta sa ground floor. Hanggang dito na lang kami dahil hindi pwedeng pumasok pa ang hindi estudyante upang makita ang kabuuan ng Academy.
"Mamimiss ka namin, anak. Mag-iingat ka dito ha?" Ang ekspresyon ni mama Beth ay malungkot, ang kanyang mga mata ay kumikinang.
"Opo, Mama. Kayo din po." Niyakap ko silang apat. Simula kay Papa Hideo, pangalawa si mama Beth, pangatlo si Joseo at huli si Reed na kakambal ko.
"Ingat ka, Reese. Huwag kang magpapaligaw, sabi ni Headmistress ay maraming loko dito." Paalaa naman ni Reed sa akin sabay hawak sa braso ko, "Tawagan mo ako kapag nagka-problema ka rito."
Mabilis mag-analyze ang mga utak namin. Though we've never been to any school, in-enroll na lang nila ako sa baitang na naaayon sa edad ko.
"I don't know what you're talking about, Reed. Walang manliligaw sa akin." Sagot ko sa kanya, "At kaya ko na ang sarili ko."
"Ate, kapag hindi ka makatulog tawagan mo ako ha." Joseo
"Oo naman, Joseo. Bantayan mo si Reed, sakitin pa naman 'yan." Hinaplos ko ang matambok niyang pisngi.
"Oh siya, mag family hug na tayo at nang makapunta na ang kapatid niyo sa kwarto niya." Masiglang putol ni Papa.
Nagyakap kaming boung pamilya at hinalikan ako ni papa sa noo. Marami pa siyang sinabi na mga paalala at kung ano-anu sa akin. Parang gusto niya tuloy bawiin ang desisyon niya at isama sa ako pauwi.
"Paalam, Reese. Huwag mong kakalimutang tumawag lagi." Paalala na naman ni Reed.
"Oo naman, makakaasa ka."
Hinawakan ako ni Papa sa balikat, "Stick to your limitations. Alam mo dapat kung paano iiwas sa mga estudyante dito lalo na kung hindi naman mabuti ang magiging impluwensya nila sa 'yo. And about your special thing, keep it a secret. Don't let anyone discover it. It's for your own sake."
"Naiintindihan ko, Papa. Hindi ko sisirain ang tiwala ninyo sa akin ni Mama."
"That's my girl." Binigyan uli ako ni Mama ng mahigpit na yakap, "If there's a slight change in you, inside you or anything, call us. Kapag may nang-away sa-"
"Mama..." Awat ko sa kanya, "Malaki na ako."
"I know." Naiiyak na naman siya, "I just can't believe that after two years, you're finally out of the house. You're here, starting to live as a normal teenage girl. Parang kahapon lang."
"Hay naku Beth, akala mo naman ay saan pupunta itong unica hija natin." Suway naman sa kanya ni Papa, "Umalis na tayo para makapaghanda na ang anak natin."
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...