Reese
"Oh, akala ko may klase ka ngayon?" Pukaw sa akin ni Terry.
Nakahilata pa din ako, kanina pa ako gising pero ayaw kong bumangon. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko, wala din naman akong gagawin sa klase.
Iisipin ko pa kung paano ko mababawi si Papa, sobra na ang pag-aalala sa kanya nina Mama.
"Hindi ako papasok, kayo na lang." Nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod sa kanila ni Charry.
Bihis na sila at may dala-dalang mga gamit.
Naramdaman ko na may humihila sa kumot ko pero hindi ko na lang pinansin hanggang sa mahila na iyon ng tuluyan. Nakapikit pa din ako at hindi alintana ang tinging ipinupukol nila sa akin.
Ayaw ko lang talagang lumabas ng dorm. Para akong pagod na hindi ko maintindihan. May kung anong pumipigil sa akin na umalis at pumasok sa eskwela. Matutulog na lang ako, kulang lagi ang tulog ko at kailangan kong bumawi.
"Problema mong babae ka ha? Bumangon ka na diyan at maligo, huwag kang tamad." Terry
Hindi ako nagsalita, nanatili pa din ako sa aking pwesto.
"Reese, masama ba pakiramdam mo?" Charry
"Ano ka ba? Hindi 'yan tinatablan. Hoy Reese, may iniiwasan ka ba? Ha?" Terry
Bumalikwas ako sa kabila at hindi pa din sila sinasagot. Ayaw kong magsalita o makipagkwentuhan sa kanila.
"Sakit sa puso, baka. Hihi." Charry
Rinig na rinig ko ang bungisngis nilang dalawa.
Sakit sa puso? Hindi ako nagkakasakit, lalo na sa puso. Bakit niya naman nasabi 'yon? Hindi naman ako kinakapos ng hininga o naninikip ng dibdib.
Napatingin ako sa kanilang dalawa ng bigla na lang nila akong daganan at tumatawa pa sila. Sinulyapan ko ang wall clock, "It's past nine, you will be late. Go now, I'll stay here."
"Reese, maligo ka na. Wala ka namang gagawin dito, dali na!" Terry
"Ayaw ko nga sabi, kayo na lang." Hindi ako patitinag hanggang sa hinawakan ako ni Terry sa dalawang paa at si Charry naman sa magkabilang braso ko.
"Ayaw mo ha? Kami ang magpapaligo sa 'yo. Haha." Terry
Napakakulit at hyper nila ngayon. I'm wondering what's running in their crazy minds.
"Stop, I'll get up now." Ayaw ko na mabigatan si Charry. Baka mapano siya at ang baby na nasa tiyan niya. Siya ba hindi nababahala? Bubuhatin pa talaga nila ako. I haven't seen her this happy, much happier than before I mean. She's glowing. She's so proud of herself that she soon will be a mother. She will be a great parent. With Ford and her, they will be a perfect family.
"Ay. Haha. Okay! Bilisan mo ha, sabay na tayong pupunta sa building. Dali!" Tinulak-tulak pa nila akong dalawa papasok ng banyo. Kahit si Charry ay nakikisabay sa kakulitan ni Terry. Pinagtutulungan na nila ako na dati ay silang dalawa ang napagtitripan.
Nag-lock ako ng pinto at naligo na.
Binilisan ko lang ang mga galaw ko at paglinis sa katawan. Pagkatapos ko sa banyo ay lumabas ako kaagad at tumakbo papuntang kwarto.
Nagbihis ako ng uniform ko at nagsuklay ng buhok. Hindi naman ako magaling sa pagpusod kaya hinayaan ko na lang ang buhok ko na magkalat sa mukha ko at balikat dahil nakabungayngay lang.
*******
"Reese, sama ka?" Tawag ni Kelly sa akin.
"Susunod ako."
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...