Reese
Bumaba kaming lahat ng van at pumasok sa gate. Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa likod ko.
"Diyan lang kayo." Pinatigil ko sila sa pagsunod sa akin.
"Bakit naman?" Castiel
"Ako ang magbubukas ng pinto at walang susunod. Don't let your guards down."
Mukha naman silang naging alerto at nagpalinga linga sa paligid. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hinawakan ang doorknob at pinihit pabukas ang pinto.
Bakit buk-
Nasalag ko sa kaliwa ang isang baseball bat at kasunod namang tumusok sa tagiliran ko ang isang patalim.
"What the fuck?!"
"Reese!"
"Anak ka ng?!"
Nagsigawan sila sa likod ko, lahat sila ay nabigla sa hindi inaasahang atake ng dalawang tao sa akin. Napatingin ako kay Mama na nakahawak ng pinanghampas niya sa akin at kay Reed na hawak ang punyal na binaon niya sa tiyan ko. Nalipat ang tingin ko kay Joseo na may hawak na revolver at bago pa man ako makapagsalita ay kinalabit niya na ang gatilyo. Tinamaan ako sa tiyan.
Nang wala silang makitang reaksyon sa akin ay nabitawan nila ang mga hawak nila.
"Oh my goodness! Dadalhin ka namin sa hospital!" Tarantang sigaw ni Castiel.
Lumapit silang lahat sa akin. Nagkagulo na kami sa pinto. Hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi nila.
"Reed, Joseo, Mama, ako po ito." Hindi ko sila pinansin at binunot ang punyal sa aking tiyan.
"Woah?!" Nanlalaki ang mga matang napatingin silang lahat sa akin. May kasamang pagkamangha at gulat.
"A-anak, sorry!" Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at umiyak kaagad siya. Lumapit din ang mga kapatid ko.
"Ate, kinuha nila si Papa." Umiiyak na sumbong ni Joseo.
My little brother is too young to handle a gun and aim it to someone.
"Alam ko. Mama, marami po tayong pag-uusapan." Baling ko sa kanya. Yumuko siya ng ilang beses
"Mga kaibigan mo ba sila?"
"Opo."
"Grabe, good girl ka talaga." Edu
"Doon tayo sa loob, pasok kayo. Reed, lock the door. Halina kayo." Aya niya sa aming lahat.
Nagpunta kami sa sala habang tinungo ni Mama ang kusina upang kumuha ng first aid kit. Si Reed naman ay nakaalalay sa gilid ko at si Joseo ay nakasunod sa amin.
Ang pito kong mga kaibigan ay naghanap ng mauupuan nila.
"Gago, ano'ng tingin 'yan?" Narinig kong tanong ni Jomarie.
Panay sa pagpatak ang mga dugo na nagmumula sa aking tiyan na may tama ng bala at saksak ni Reed. Malalim ang pagkakabaon ng punyal kanina, ganun din ang tama ng bala sa akin. Halos magkulay dugo na ang harapan ng T-shirt ko sa ibaba.
Ilang oras lang ang itatagal nitong sugat at gagaling din ito kaagad.
"Reese, hindi ba masakit? Diba dapat sa hospital ka dalhin?" Alejandro
"No. I'm fine, nothing hurts even a bit. I'll heal after in a few hours. Joseo, dun ka muna kay Mama." May mga dugo na siya sa damit dahil sa pagyakap niya sa akin kanina, "Magbihis ka, may mga bisita tayo."
"Okay, ate. Na-miss ka namin!" Niyakap niya pa ulit ako at tumakbo na paalis.
"Patawad, Reese." Tinignan ko siya at tinanguan.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...