Chapter 6

12.7K 431 34
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin


"Oh, ano pa ang hinihintay natin? Kainin na!" Sabay sabay na wika ni Castiel at Alejandro.

Nag-abala talaga sila sa pagluto at pagpunta dito upang magkasabay kaming kumain ng hapunan. Nagbuhat din sila ng mahabang mesa at mga bangko.

Nakapalibot kaming lima sa hapag at masaya silang kumakain. Hindi talaga sila nawawalan ng sasabihin, lalo na kapag nag-aasaran na sila. Ako kaya? Kelan ako makakatawa? Makakangiti?

"Masarap ba, babe?" Tanong ni Alejandro

"Oo, ikaw ba ang nagluto nito?" Adobong baboy na maanghang ang luto niya. Nagsinungaling na ako dahil ayoko na masaktan siya. Wala akong panlasa kaya sa amoy na lang ako bumabase.

"Syempre naman, babe. Kumain ka pa ha? Para talaga 'to sa'yo." Kahit mahilig silang mag-asaran, malinis naman silang kumain at hindi makalat. Hindi katulad ng mga estudyante sa cafeteria nang may pinakita na video at photos si Terry sa akin. Kaya imbes na kumain doon ay nag-aabala silang magbaon, healthy foods pa ang nakakain nila.

"Ano ba ang paborito mong ulam, Reese?" Tanong niya uli sa akin.

"Kahit ano ay kinakain ko kaya wala akong masasabi na paborito ko." Nilingon ko si Ford, "Maganda ang lugar na iyon, Ford. Pwede ba akong tumambay do'n minsan?" Tukoy ko sa hardin na trinabaho ko kagabi.

"Si Vhon ang may huling salita sa mga bagay na ganyan. Susubukan ko siyang kausapin kung gusto mo." Nakangiti niyang sagot, "Pero kung gagawin naman iyong tambayan kapag vacant hours ay pwedeng-pwede. Kailangan lang ng konting renovation ng lugar."

"Maraming salamat."

"Hindi ka ba inaaway ni pareng Vhon?" Tanong naman ni Alejandro sa akin.

"Hindi naman. Casual lang siya sa akin." Kahit alam naman nila noon pa man ang totoong pag-uugali ng kaibigan nila.

"Pagpasensyahan mo na ha? May sayad kasi talaga yon, pero mabait naman siya." Sagot ni Castiel sa akin.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Gusto ko ang nakikita siya, hindi ko maintindihan pero may kung ano sa kanya na humahatak sa akin na lapitan siya at kausapin.

Vhon Ashton Black

"Wala iyon sa akin. Nakikita ko naman na ginagawa niya ng maayos ang kanyang tungkulin."

Sabay-sabay nila akong binigyan ng thumbs up.

Naging maingay ang unang hapunan hanggang sa mga sumunod na gabi ko sa kulungan. Sinigurado  rin nila na hindi ako mahihirapan sa pamamalagi  ko dito. Naging makabuluhan ang mga gabi sa bulok na lugar na ito. Maging ang ibang preso ay napapasaya dahil sa masarap na pagkain na dinadala nila. Minsan nga ay nagdala pa sila ng mga gadgets kaya naglaro kami hanggang madaling araw.

***

"You're free now." Naalimpungatan ako ng biglang may nagsalita at sinampal ako ng mahina sa pisngi.

"Don't you think it's impolite to wake me up this early?" Humikab ako ng isang beses at umayos ng upo.

Hindi niya ako sinagot at lumabas na siya ng selda. Nag-unat muna ako bago niligpit ang mga gamit na aking hinigaan. Pinadalhan kasi ako ni Alejandro ng kumot at unan nung unang gabi ko pa lang dito.

Maalaga sila. Dito sila laging kumakain ng hapunan. Kinukwentuhan din nila ako ng mga kung anong bagay tungkol sa kanila at sa Academy. Dahil doon ay nakilala ko na sila.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon