Reese Elizabeth Cohlsin
"Ano'ng oras magsisimula ang second offense?" Tanong ko kay Charry."Ang cute mo talaga sa uniform, Reese. Nakakainggit ang kaputian mo, parang wala kang dugo." Terry
"Salamat."
"Eight a.m. Ano ba kasi ang nangyari kahapon? Isinama ka lang ni Castiel hindi ka na nakabalik, tapos sasabihin mo pang umabot ka na sa second offense?" Charry is so worried.
Natrauma na daw sila sa nangyari sa kasama nila dati. Hindi na kasi sinikatan ng araw at namatay sa Black Jail. Walang nagsasalita tungkol sa nangyari pero alam daw nila ang rason. Dahil daw kay Vhon. That Vhon is really something, kung alam niyang may namatay dahil sa kanya. Bakit parang wala lang sa kanya?
"Mahabang kwento, Charry. Pasensya na kayo. Huwag kayong mag-alala, tatapusin ko hanggang third offense para wala na akong offense na lalabagin." Napanganga si Terry sa sinabi ko at si Charry naman ay muntikan nang matumba sa pagkakaupo niya.
Bakit nabigla sila sa sinabi ko?
"Huwag ka ngang mag-joke ng ganyan! Hindi mabenta kasi ang cold mo pa din namang magsalita at lalo na sa facial expression mo. Naku! Dapat mangako ka na lalabas kang buhay at humihinga after three days. Susundin ka namin ni Charry para makabawi man lang at hindi ka namin makakasama ng ilang araw." Biglang bawi ni Terry.
"I'm not joking, tatapusin ko hanggang third offense." Kaagad ko namang binawi ang sjnabi ko dahil sa hilatsa ng mga mukha nila, "Okay. I won't."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Sabihin nga nating umabot ka sa ikatlong offense, makakaligtas ka nga pero agaw buhay ka na no'n. May parusa pa ding naghihintay kapag nagkasala ka ulit." Charry
"Ano naman 'yon?"
"Kakalabanin mo ang mga Hari. Huwag ka nang mangarap na bubuhayin ka nila, Reese. Sila ang batas dito kaya please lang, huwag ka nang lalabag pa." Terry
Pero hindi sila ganun kahapon, mabait sila sa akin at nakakatuwa silang panoorin habang nag-uusap. Hindi ko din naramdaman na kaya nilang manakit ng katulad ko. Masiyahin sila at madalas ay naglolokohan.
"Kakalabanin ko sila. Pero hindi ko sila papatayin."
"Reese?! You don't know what you're talking about, okay? Wake up! No one survives after fighting with the Kings. Lima sila, iisa ka lang. Mukha ngang maamo ang mga mukha ng mga iyon pero hindi mo nanaisin na makita ang tinatago nilang parte ng pagkatao nila." Terry
"Ayaw naming mawala ka, Reese." Charry
"Trust me. I can defend myself."
"Hindi ka pa lumalagpas sa second offense, magtitiwala lang ako kung nalagpasan mo na ang third offense." Terry
"Hindi sila basta basta nailuklok na hari kung mahina sila, tandaan mo 'yan." Charry
Hindi ko pa yata sila lubusang kilala kung ganun. Handa akong kalabanin sila. Lima lang sila, hindi nila ako mapapatumba. I have trained enough, plus the fact that I'm not normal.
"Nga pala, acquaintance party na next week. Saktong birthday ni King Mario." Charry
"Nasabi nila 'yan sa akin kahapon, pupunta ba kayo?"
"Sa acquaintance party? Oo naman, lalo ka na. Para iyon sa mga freshman at transferees, mga katulad mo na newbie dito." Terry
"At may damit na tayo, naihanda na ni Terry." Charry
"Talaga ba, Terry?"
"Oo naman. Excited ako eh, kaya advance ako! Haha. Ipapakita ko na sa'yo ang damit sa araw mismo ng party, huwag kang mag-alala at gamay ko na ang pagpili ng mga damit." Bakit masyado silang komportable sa akin? Bakit ang bilis nila akong pakisamahan? Bakit madali sa kanila ang kausapin ako?
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...