Reese
"Pwede ba tayong mag-usap?" Nakangiti niya akong nilingon.
Umiinom sila ng alak at nagkakasiyahan sa ginawang bonfire nina Mario kanina. Lahat ng pitong kalalakihan ay may mga kaparehang babae. Nakakatuwang pagmasdan na lumaki na ang sakop ng aming pagkakaibigan at pagsasamahan.
Kakatapos ko lang maghugas ng plato kasama si Charry. Gusto niya sanang siya ang tumulong sa akin ngunit tumanggi ako. Kailangan niyang magsaya sa dami ng kanyang problema.
Lumagok siya ng isang beses at inilagay sa lupa ang kanyang bote. Nagpaalam kami at pinagpasyang maglakad lakad sa dalampasigan. Magkahawak kamay kaming nagtatampisaw sa mahinang alon na nakikisabay sa hanging humahaplos at dumadampi sa aming balat.
"Bagay sa 'yo ang damit ko." Basag niya sa katahimikan. Tinutukoy niya ang long sleeve na suot ko ngayon.
"Salamat."
"What is it? Something's bothering you, hmm?"
Lumunok ako ng ilang beses at tumigil sa paglalakad.
Napatingala ako sa magandang kalangitan na nagkikintaban dahil sa dami ng mga bituin. Sadyang napakagandang tanawin.
"May hindi ako sinasabi sa iyo. Sana mapatawad mo ako, Ashton. Hayaan mo sana akong magpaliwanag bago ka magalit sa akin."
Hinarap niya ako at inipit ang buhok na kumalat sa mukha ko dahil sa hangin.
"Hindi ko magagawang magalit sa iyo. And if you're thinking of hypnotizing me again, it won't work for the second time." Nakangisi niyang wika.
He's a good actor, akala ko talaga ay nakuha ko siyang ipasailalim sa hypnotismo. May contact lens na pala siyang gamit noon, dahil kinutuban siya ng malaman niya ang ginawa ko kay Aidan. At alam ito lahat ni Ford.
"Paano kapag sinabi ko sa iyo na kilala ko ang pumatay sa mga tauhan niyo?"
Kumunot ang noo niya at bigla siyang naging seryoso. Nawala ang kanyang ngiti at tumagis ang kanyang bagang.
"Akala ko ba malinaw na sa iyo na ayaw kong nakikialam ka tungkol sa problema namin? We're not yet done of Dimitrios and now you want us to talk about the killings?"
"Hindi mo naiintindihan."
"Ipaliwanag mo."
"Si Dan at Dimitrios ay iisa na alam naman nating lahat na. Naloko niya tayo, lalong lalo na ako. Nagpadala ako sa nararamdaman ko sa kanya, kasi inakala ko na mabuti siyang tao at mapagkakatiwalaan. Nagawa kong maglihim sa iyo dahil sa kanya." Napayuko ako dahil hindi ko siya kayang tignan sa mga mata.
"At nagawa mo ding tumakas ng Academy tuwing late night because of him. I was fucking jealous because you don't have enough time for me, laging siya na lang ang naiisip at bukambibig mo. To the point that I just wanted to kill him which I later on regretted that I haven't done. Tapos na sana ang problema natin sa kanya."
"Then after a week, killings were everywhere." Dugtong ko sa sinabi niya
"And then?"
Inangat ko ang mukha ko at huminga ng malalim. Sinalubong ko ang mga mata niya na puno ng pagmamahal para sa akin.
"Naloko niya ako at nakagawa ako ng kasalanan na sadyang ikagagalit mo. Ayaw tanggapin ng utak ko na baka mawala ka na sa akin, Ashton." Sasabihin ko na ba?
Dapat. Dahil baka mawalan na kami ng oras. Baka mahuli na ang lahat. Mabuti nang ngayon pa lang ay masabi ko na sa kanya ang nililihim ko. Tatangapin ko ang lahat ng isusumbat niya sa akin dahil iyon ang nararapat.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...