Chapter 45

8.4K 219 7
                                    

Reese

Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa salamin na nasa harap ko. Sunod naman sa mga nagkikintabang Christmas lights sa gilid ng bintana. Malapit na ang pasko, pangalawang pasko namin ni Reed bilang isang normal na tao.

"Bakit hindi mo siya puntahan?" Napayuko ako sa tanong ni Reed na nakaramdam.

Gumuhit ang isang bagay sa aking mga labi.

I miss him so much. I never stopped missing him. Lagi ko siyang naiisip, lagi kong inaalala kung okay lang ba siya.

Apat na buwan na din ang lumipas at hindi iyon naging madali para sa akin. Nagpakalayo layo ako at sumama kina Mama. Ilang beses na din kaming nagpalipat lipat ng tirahan. Hindi lang si Papa Dimitrios ang humahabol sa amin ngayon, pati ang iba na nakakaalam kung ano kami ni Reed. Malaki ang pasasalamat ko hanggang ngayon na wala kaming naging problema sa pagtakas kung kanino, madali kaming nakakaiwas kapag may paparating na mga kalaban.

Ganito pala kahirap ang maging sentro ng atensyon. Lahat ng kilos namin, wala na ang pagiging kampante. Parang kahit saan kami magpunta, hindi kami ligtas.

"Kailangan ko pa ng konting oras, Reed."

"You've had enough of it, Reese. You changed a lot."

Napatingin ulit ako sa repleksyon ko sa salamin.

Iba na ako. Hindi na ako 'yong boring kausap, 'yong masyadong inosente sa mga bagay bagay.

Nakapunta na ako sa mga lugar na dati ay naririnig ko lang sa mga kwento nina Papa. Naranasan ko na ang magtanim ng mga bulaklak. Nasubukan ko na din ang magluto at mamili sa palengke ng mga gulay. Nakapasok na din ako sa isang malaking Mall at maliliit na grocery stores. Nasubukan ko na din ang pumalaot sa dagat at manguha ng isda.

Sa loob ng mga araw at buwan na hindi ko siya nakikita at nakakasama, binubuo ko din ang aking sarili at pagkatao.

Nagbukas ang pinto at pumasok si Mama na nakangiti, "Ang aga niyong nagising ah?"

"Sapat na ang tulog namin, Mama."

"Oh siya, bumaba na kayo kaagad. Aalis tayo mayamaya." Mama

"Saan po?" Reed

"Basta." Sagot ni Mama at lumabas kaagad.

Nauna na akong pumasok ng banyo at naligo.

Iba ang pakiramdam ko sa pupuntahan namin.

*******

"Nasaan po tayo?" Tumigil ang sasakyan at lumabas kaming lima.

Inilibot ko ang aking paningin at isang malawak na lupain ang aking nakikita. Hindi na problema ang init ng araw dahil hapon na din at malapit na itong lumubog.

"Halika, Joseo. Tama na 'yan." Suway ni Papa sa kapatid naming kinukutingting ang hawak niyang water gun. Kanina pa siya pinagsasabihan sa kotse pero sadyang matigas ang kanyang ulo. Napakakulit niya talaga.

May bitbit si Papa na dalawang bungkos ng bulaklak at si Mama naman ay may mga puting kandila.

"Kumapit ka sa akin, Joseo." Reed

Naglakad kaming lahat sa gitna ng malawak na lupain. May mga nakikita akong pangalan na nakaukit sa mga nakalibing na semento.

Pangalan ng mga patay na nandito. Ibig sabihin, nasa isa kaming sementeryo.

"Mama, sino po ang pupuntahan natin dito?" May kyuryusidad na sa akin.

Tumigil sila sa harapan ng isang nitso. Binasa ko ang nakasulat doon pagkatapos nilang ilapag ang kanilang mga dala.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon