Chapter 3

14.1K 454 58
                                    

Sadly, I deleted the POVs of the boys in this whole chapter.

But if you have read (and still recall) the original version before this, then congrats, and I hope you had a good laugh. :)

***

Reese Elizabeth Cohlsin


"Good luck sa first day of school mo, Reese, sana ay umayon sa iyo ang araw ngayon." Paalam ni Charry, "Hahabol na ako sa aking first subject. Huhu!"

"Reese, huwag mong kakalimutan ang schedule mo ah. Oh ito, pinagbalot ka namin ng pagkain para sa break time mo," inabutan ako ni Terry ng maliit na lunchbox, "May sandwich diyan at sushi-- made by me, myself and I."

"Hail, Madam Terry! Salamat sa masarap mo na pabaon!" Hinatak na siya ni Charry palabas at pasalampak na isinara ang pinto.

Naiwan naman ako na nakatingin sa lunch box, "Bento box galing sa mga roommates ko."

Ilang segundo na tinitigan ko ito bago napagpasyahang isilid sa aking bag at tumayo. Tahimik na lumabas ako ng apartment at siniguroado na naka-lock ito nang maiwasan na may ibang makapasok.

Hindi ko rin pinalagpas na pasadahan ng tingin ang buong palapag nang makasiguro kung may ibang estudyante pa.

Mabagal na binagtas ko ang hagdan pababa ng dormitory. Matirik na ang araw sa oras na ito. Nang makalayo na ako ng tuluyan ay saka ako may narinig na sumisigaw.

"Reese!"

Paglingon ko ay humahangos si Castiel palapit sa akin, "Bakit?" Tanong ko nang makalapit na siya.

"Wait." Yumuko siya upang humabol ng kanyang hininga, "Hooh! Kapagod!"

"Tinatawag mo ako, may kailangan ka ba?"

Bumuga siya ng hangin at sinuklay ang kanyang buhok na nagkalat sa kakatakbo, "What time is your class? Pwede ka ba ngayon?"

"Mamayang alas onse pa ang klase ko, bakit? Pupunta ako ng library para magbasa." Napakalaki kasi ng silid-aklatan ng Academy, mas malaki at maraming libro kung ikokompara sa mga koleksyon ni Papa.

"Sama ka sa bahay-- huwag kang mag-isip ng kung ano. Sa bahay namin ng mga kaibigan ko... kompleto sila ngayon kaya gusto sana kitang ipakilala sa kanila."

May bahay sila. Naaalala ko na may sinabi si Papa tungkol sa lumang warehouse dito na ginawang bahay tuluyan ng tagapagmana ng Academy, iponapasa sa susunod na mag-aaral rito.

"Bakit naman ako sasama? Hindi kita pinagkakatiwalaan, Castiel, at mas lalong wala akong tiwala sa mga kaibigan mo." Wika ko naman.

"We are the good guys, Reese. I swear, if they do something bad or inappropriate... Or if you ever feel uncomfortable, ihahatid kaagad kita sa klase ko." Pangungumbinsi niya sa akin. Mukhang maayos naman siyang kausap.

"Baka ma-late ako sa una kong klase kapag sumama ako sa'yo."

"Then I'll talk to your teachers. Ako ang bahala sa'yo, Reese. I promise." Itinaas niya pa ang kanyang kanang palad na animo ay sumusumpa.

Nag-aksaya siya ng oras at lakas para ayain ako sa bahay niya kaya pinaunlakan ko ang kanyang inaalok. Mukhang tapat naman siya sa kanyang sinabi, at kung sakali man na may mali silang gawin ay hindi ako magdadalawang isip na balian sila ng buto.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon