Chapter 16

11.3K 402 5
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin


"Good morning! Magandang buhay! Wohoo!"

Nagising ako sa maagang bati ni Terry kaya bumangon ako kaagad. Si Charry naman ay humihikab na nagkumot.

"Magandang umaga din, Terry. Maganda yata ang gising mo."  Nagsuot ako ng tsinelas at lumabas ng kwarto. Nakabuntot pa rin na nakangiti si Terry sa akin, "Bakit?"

"Tara sa labas." Pag-aya niya.

"Maghihilamos lang ako."

"Okay. Okay. Take your time. Enjoy!"

Iba yata ang aura ni Terry ngayong umaga. Kumikinang ang kanyang mata at todo ngiti siya. Parang hindi rin siya mapakali.

Naghilamos ako at nagsipilyo. Humarap ako sa salamin at sinuklay ng maigi ang buhok ko.

"Ano'ng meron, Terry?" Hinatak niya na ako sa harap ng pinto, "Bakit?"

"Buksan mo na ang pinto!" Thrilled na naman siya.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Walang tao sa labas pero pagtingin ko sa baba ay maraming bulaklak, mga regalo at pagkain.

Ah. Dahil sa mga pagkain.

"Oh, diba? Bongga! Busog na naman tayo nito!"

"Para saan ang mga ito? Sa atin ba 'to?" Una naming kinuha ang mga pagkain na nasa bilao at nakabalot ng aluminum foil. May mga box pa ng pizza at cakes, "Masyadong marsming pagkain. Baka mapanis lang."

"Hindi 'yan. Haha! Walang pasok ngayon kaya magdadala kami ni Charry sa gym, halos nando'n lahat mamaya." Tuwang-tuwa siya dahil maraming pagkain, matakaw kasi siya.

"Kanino ba galing ang mga ito?" Nagpalinga-linga ako sa paligid at tanging si Aidan lang ang nakita ko na nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga. Kumakaway siya sa akin kaya itinaas ko naman ang kanang palad ko.

"Syempre galing sa mga fans mo o sa mga estudyante na bumilib sa'yo kagabi. Famous ka na, girl!" Hinampas niya ako ng mahina sa braso, "Ay grabe, tiyak na tataba na naman ako nito! Ang hirap magdiet pero sige lang! Damihan niyo pa ang pagpapadala ng pagkain!" Halos sumigaw na siya.

"Baka may lason ang mga pagkain. O may bomba ang mga box." Hinala ko naman.

Halos magdugtong ang mga kilay niya sa sinabi ko, "Don't panic, girl! Pero sige, Reese, mag-ingat rin tayo dahil tiyak marami ang nainggit sa performance mo kagabi."

"Titikman ko ang mga ito bago maligo."

"Jusko! Baka kung mapa'no ka, edi kami naman ang lagot kay Vhon at Aidan niyan."

'
"Hindi."

Pinagtulungan namin na ipasok ang lahat ng nakatambay na regalo mula sa labas ng pinto, ang mga pagkain ay nasa kusina habang ang mga hindi makakain ay tinambak namin sa living room. Nagmukhang gift shop ang buong living room dahil sa dami ng naka-display.

Tinikman ko isa-isa ang mga pagkain at isa doon na may lason kaya agad na tinapon ko sa basurahan. Immune ako sa kahit ano'ng klaseng lason at kapag makakain ako ng ganito ay may reaksyon sa katawan ko. Namumula hanggang sa nagiging dark grey ang balat ko at mawawala rin kaagad. Pinapatay ng dugo ko ang kahit ano'ng lason na napasok sa katawan ko.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon