Reese Elizabeth Cohlsin
Tumigil din ang kotse ng shooter at lumabas siya doon. Nanatili lang kami sa loob na nakatingin sa papalapit niyang pigura.
Mabagal siyang naglalakad papunta sa direksyon namin na hawak hawak pa rin ang kanyang baril. Nasa gitna ng kalsada ang kotse at patagilid. Nasa gilid siya ni Ashton, diretso papunta sa driver's seat.
Lady in black and red. 5'7. May magandang postora. She has a mask- no. She's wearing a bonnet that's covering almost her whole face except for her eyes and lips.
"Stay here, I'll handle her." Pigil niya.
"Mag-iingat ka." Ngumiti siya, hinalikan ako sa noo bago tumayo at salubungin ang kalaban. One of his habits, he always kisses me whenever possible.
Tumayo din ako at sumampa sa hood ng kotse, manonood na lang ako sa kanila. I won't meddle unless my presence will be needed. Hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan ni Ashton, may hindi lang ako maintindihan sa nararamdaman ko. Ito ang kauna-unahang beses na makikita ko siyang makipaglaban at sa kapwa babae ko pa. Evil enough? O normal lang dahil na din sa klase ng pamumuhay niya?
Huminto sila ng ilang hakbang ang pagitan sa isa't isa, magkaharap na nakatayo at tahimik na nagpapalitan ng tingin. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang kikilos.
Tinignan ko ang mga bakas ng bala sa kotse, marami. Mukha pa namang mahal ang pagkakabili nito at mataas ang kalidad. Ibinalik ko ang aking atensyon sa dalawa na nagpapaikot at nakatitig pa din sa isa't isa.
To Ashton's surprise, naglabas ng dalawang dagger ang babae at ni-pwesto ito sa harapan upang gawing depensa laban sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata at pinagmamasdan niya ang kalaban ng bigla itong sumugod.
Isang pasada ng dagger sa kanang kamay na sinundan ng kanan. Nakaiwas siya at napaatras ng dalawang hakbang. Wala kay Ashton ang atensyon ko kundi sa mismong kalaban niya. Habang panay atake siya ay ilag lang ng ilag si Ashton. The way she moves, even just her stance-- she is more than a pro, she's like Ashton. Skilled, professional, and dangerous.
Ngunit bakit hindi lumalaban pabalik si Ashton? Ayaw ba niyang manakit ng babae? Bakit parang nag-aalangan siya? Ano ang pumipigil sa kanya? Dahil ba babae ang kanyang kalaban at ayaw niyang masabihang bakla?
One smooth kick hit him in his left cheek. Napaatras siya at sinapo ang nataamaang pisngi. May dugo.
Napababa ako ng sasakyan dahil sa nangyaring iyon. Napatingin siya sa gawi ko at may nababanaag akong kakaiba sa mga mata niya, may gusto itong ipahiwatig na hindi ko mabasa. Nakailang hakbang na ako ng umiling siya, but why? Ayaw niya ba na tulungan ko siya? Pero hindi niya naman nilalabanan pabalik ang kalaban.
"Shit!" Asar niyang anas ng madaplisan naman siya ng dagger nito sa kanang braso. Napaatras uli siya.
Naglakad ako ng mabilis papunta sa kanilang dalawa, pumagitna ako, and just before the dagger was about to be stabbed in his right arm. Sinalag ko na iyon at tinignan sa mga mata ang nanakit sa kanya.
"Ano'ng?! I told you to stay in the car!" He's frustrated and pissed. Why is he trying to control himself if he can beat this woman in a short period if he wants to?
Hindi ko siya pinansin, bagkus ay hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanang braso ng babae gamit ang kaliwang kamay ko. Nakita ko kung paano siya napalunok at kumurap ng ilang beses.
"Stay at the back, let me finish this." Daad ko.
Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak doon at nakita ko na gumalaw ang parte ng bibig niyang natatabunan ng mask, napapangiwi siya sa sakit. Iginalaw niya ang kanyang kaliwang kamay na sinalag ko lang din, hinampas ko iyon at sinuntok ko siya sa panga at binitiwan ang pulsuhan niya. Napaatras din siya sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Weapon [COMPLETED]
Science FictionReese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa katagalan ng kanyang pagkahimbing. Pero... Natulog lamang ba siya? O may nangyari na hindi niya alam...