Sa isang loof unit niya binaba ang binata.
Palihim niyang ginala ang paningin sa loof unit saka sumulyap sa binata na hindi pa bumaba."baka gusto mong bumaba para kakain muna. Masarap ang pagkain dito." simpleng sabi nito saka nagkalas na ng seatbelt.
Saka niya naramdaman ang gutom. Lumunok siya saka ngumiti.
"no thanks--
Naputol ang sinabi niya ng tumunog ang kanyang tiyan.
Napakagat labi siya at umiwas ng tingin.
Nakita pa niya ang pagngiti ng binata at bumaba na." my treat!"rinig pa niyang sambit ng binata.
"some other tim--
Nabitin sa ere ang sasabihin niya ng walang kahirap hirap na inabot ng binata ang susi niya saka sinara ang pinto.
"bumaba ka na." ngiti na sabi nito saka hinagis ang susi niya sa isang guard na papalapit sa kanila. Rinig pa niya ang pagbati nito sa binata. Nag ikot pa ito sa kanyang side
"let's eat first runther saka muna inisip ang galit mo sa akin pagkatapos." at pinagbuksan pa siya ng pinto.Wala siyang nagawa kundi ang bumaba na dahil ramdam na ramdam na din niya ang kumakalam na tiyan. Total mapilit din ang binata kaya pagbigyan na niya. Hindi na din siya nag aksaya na dalhin ang bag.
Agad siyang ginaya ng binata sa entrada ng loof unit.
Bumati pa ang ilang crew na nasa frontdesk nakaupo.
Nagkunwari siyang naggala ng paningin para hindi siya tingnan ng mga ito."nasa taas na po sir nahanda na po doon!" ani pa ng isang crew na babae.
"ok.. Thank you..." tugon ng binata saka naramdaman niyang hinawakan siya ng bahagya sa likuran at ginaya papunta sa elevator.
Gusto man niyang pumalag pero mas minabuti niyang matiyaga muna sa binata kung may plano itong masama sa kanya hindi siya magdadalawang isip na ipakulong ito.
Lihim siyang bumuga ng hangin dahil ramdam na ramdam niya ang mainit na palad nito sa kanyang likuran kahit may suot siyang damit.
Amoy na amoy niya ang lalaking amoy nito na nanuot ng kanyang ilong na nagbibigay paruparo sa kanyang tiyan.
Hinamig niya ang sarili at pilit na wag mag isip ng ano ano.Pagpasok nila sa elevator laking pagkadismaya niya ng inalis ang kamay nito sa kanyang likod.
Nagkagat labi siya at hinipan ang kanyang sarili.
Pakiramdam niya pinagpawisan na siya.Ano ba ang nangyari sa kanya?
Tumikhim siya saka nagmamadaling lumabas ng bumukas ang elevator. Narinig pa niya ang mahinang tawa ng binata na nakasunod sa kanya pero wala siyang paki.
"runther!" tawag sa kanya ng binata kaya napalingon siya nito
"dito tayo." turo nito sa kaliwang side.Napangiti siya at sumunod na nito.
Nagdadalawang isip pa siyang pumasok sa loob ng buksan siya ng binata.
"don't worry wala akong gagawin sayo!" sambit nito at una pang pumasok.
"iwanan mong bukas yang pinto para hindi ka magduda." habol na sabi nito.Lumunok siya bago pumasok sa loob ng unit. Ramdam niya agad ang malamig na aircon na yumakap sa kanyang balat.
Amoy na amoy din niya ang mabangong luto na putahe.Mas lalo ata siyang nakaramdam ng gutom.
Ginala niya ang paningin sa loob ng unit.
In fairness maayos ang pagkalagay ng mga furniture na halatang may kalumaan na pero mahalatang alaga ito ng linis dahil kumikinang sa kinis.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
Storie d'amoreWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexual scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.