DMBB 20(spg)

65 2 0
                                        

(Rated SPG: Read at your own risk!)

Walang kapaguran niyang inikot ang mata sa ibabang bahagi kung saan tanaw niya ang maliit na mga bahay at tao.
Napangiti pa siya ng tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw.

"ang ganda..." hindi niya mapigilang bulaslas

"look hon ang ganda ng ulap.. Take me some picture please.." rinig niyang lambing ng babae sa likuran.

Napangiti siya saka nagkagat labi. Kinikilig siya sa naririnig.

"first time mo bang sumakay ng ganito iha??" tanong ng piloto sa kanya.

"pangalawa ko na po ito sir!"

Nag tango tango ang piloto saka ngumiti.

"nakakaaliw ka kasing tingnan."

Napatawa siya.

"noong unang sakay ko kasi dito hindi ako nag-enjoy dahil natatakot ako."

"ibig sabihin ikalawang beses mo ng pumunta ngayon sa isla??"

Tumango siya. Napatango din ito.

"ilang taon na po ba kayong nagtrabaho dito sir?"curious niyang tanong

"bata palang sila james at kurt noong pumasok ako. Nasaksihan ko pa ang paglaki ng dalawa hanggang sa nagkaroon ng  tatlong kambal na anak si james at nasundan ng babae. "

Napatango tango siya.

"boyfriend mo si jhon michael?" diretsang tanong pa nito sa kanya.

Nag iiling siya habang nakangiti.

"were friends lang po..." mahina niyang sambit saka nagkagat pisngi sa loob.

May friend bang maglaplapan?? - sigaw ng isip niya.

Pinilig niya ang ulo at nilibang ang sarili sa mga tanawin sa ibaba.

Ng makarating sila sa isla agad siyang bumaba sa chopper at lumanghap ng sariwang hangin.

For the second time nakabalik siya sa isla. Napangiti siya at kinuha ang bag sa likod kung saan nilagay ang kanilang mga bagahe.

"salamat sir!" ngiti pa niyang  sabi sa piloto.

"tito dave nalang iha... Di magtatagal maging parte ka na ng pamilya nila." amused na sabi pa nito.

Napailing nalang siya saka tinungo ang mini cab na naghihintay na sa kanila.
Hindi na siya pumalag ng makitang nagpicture pa ang ilan sa paligid. Tiyaga siyang naghihintay hanggang sa sumakay na ang mga ito sa mini cab.

Sa mismong entrada ng JJJ RESORT sila hininto ng mini cab.

Excited na naglabasan ang mga kasama niya habang manghang mangha ito sa paligid.

Napangiti siya saka ngumiti sa driver ng mini cab bago bumaba.

Humugot siya ng hininga saka tiningala ang three storey na resort.

Namiss niya ang lugar na ito. Namiss niya ang kanyang mga kaibigan. Lalo na ang naghandle ng building na  ito.

"my gosh.... Ikaw ba yan Kathleen??" tiling sambit ng pamilyar na boses.

Napangiti siya at nilingon ang pinanggalingan ng boses.

Si kelly na nalalabas lang sa mini cab kasama si jerome.

"hi..."she waved.

"aay... Ikaw nga..." sigaw nito saka tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon