"Ano ba ang iniisip mo at sinuntok mo sa mukha si james paul?" galit na tanong ng dalaga.
Hindi siya sumagot. Bagkus inabot niya ang mukha ng anak na natutulog.
Her daughter! Damn!
Sarap pala sa pakiramdam na may anak na matatawag. Hinawi niya ang alon-alon nitong buhok sa noo saka hinalikan doon.
"B-Baby..." iwan niya pero bigla siyang napaiyak.
"Anak ko... Nandito na si d-daddy." piyok niyang sabi saka inabot ang kamay nito saka hinalikan.
"Gising ka na naghihintay si daddy sayo!"
Para siyang iwan na humahagulhol habang hawak ang kamay ng anak.
Lahat ng sakit at galit na naramdaman ay biglang nawawala.
Naramdaman niyang lumapit si Kathleen sa likod niya saka niyakap siya sa likuran.
Umiiyak din ito.
" I'm sorry for keeping marian from you. I'm so sorry jhon michael." iyak na sambit nito.
Sa ganoon tagpo sila ng bumukas ang kuwarto at pumasok ang mga magulang ng dalaga.
"oppss... Sorry!" ani ni tita na may ngiti sa labi.
Nagsinghot siya saka pinahid ang pisngi. Naramdaman din niya ang paglayo ng dalaga.
"Mom, dad." bati ng dalaga sa magulang.
"Maiwan muna namin kayo." ani ng ama ng dalaga sa mababang tono.
Ngumiti siya ng tipid sa ama ng dalaga.
Ng makalabas ang dalawa ay para silang mga bata na nagtinginan.
"Hali ka pahiran ko ng betadine ang kamay mo." sabi ng dalaga maya maya.
Tumango lang siya saka nagpatianod ng hilain siya ng dalaga sa mahabang upuan sa labas ng kuwarto ng anak.
"Alam ko hindi sapat ang sorry ko para mapatawad mo ako." sabi ng dalaga habang panay ang panid ng bulak sa kanyang mukha.
Suminghap siya saka ngumiti ng mapait.
"Alam ko rin na may kasalanan din ako. I'm sorry." mahina niyang tugon saka umiwas ng tingin ng makitang tumingin ang dalaga sa kanya.
"saka na natin pag-usapan ang mga problema gusto ko pang bumawi sa anak natin."
"I'm sorry for being selfish. I'm just really mad at you that time kaya nagpabulag ako sa galit at iniwan kita doon."nanginginig na sabi nito.
Tumingin siya sa dalaga saktong umiwas din ito ng tingin.
Gustong gusto na niyang abutin ito para yakapin pero nagpigil siya.
May dapat pa silang pag-usapan at ayusin. May panahon pa sa mga ganyang bagay sa ngayon fucos muna siya kung paano mapalapit sa anak.
"Mommy..."
Kapwa sila natigilan at dali daling pumasok sa loob ng kuwarto. Naabutan nila ang kanilang anak na nakaupo sa kama.
Ngumiti siya ng matamis pero bigla siyang namanhid ng makitang sa ina lang ang mata nito nakatingin.
"Hi darling...." malambing na bati ng dalaga sa anak saka yumakap ito.
"I need water mommy."
Walang alinlangan na inabot niya ang isang bote ng nature's spring at binuksan saka inabot kay Kathleen. Nagtagpo ang kanilang mata.
"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong pa nito sa anak.
Umiling ito saka inabot ang tubig.
"Marian listen to me!" Kathleen gulp.
"Diba gusto mong makilala ang daddy mo!"
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
Roman d'amourWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
