Agad siyang lumapit sa ina pagpasok sa bahay.
"hi mom!" bati niya at humalik sa pisngi nito.
"baby... Hi." ngiting sabi nito saka hinaplos ang kanyang buhok.
"magbibihis lang ako mom, si daddy?"
"mamaya pa ata ang uwi no'n hali ka muna." saka hinila siya paupo nito.
"magbibihis lang naman ako mom!" simangot niyang tugon ng makaupo siya
"May dapat ka pang ipaliwanag sa akin."
"Mom!! Anong paliwanag?"
"kung bakit hindi ka umuwi kagabi."
"Mom!"
"hep...."taas kamay na sabi ng ina niya.
"ano ba ang relasyon niyo ni jhon michael at sumama ka sa unit niya kagabi?? Huh?? ."
"nag-anyaya siyang kumain kaya pinagbigyan ko." baliwala niyang sagot.
"nagyaya? Ano ba kayo? Magsyota?" intriga na tanong nito.
Napaisip din siya sa tanong ng ina. Ano ba sila? Hindi nga naman sila magsyota mas lalong hindi sila magkaibigan.
"ganito kasi mom! Paglabas ko kagabi sa opisina nakaabang na siya sa akin. Hindi ko nga siya pinansin pero nagulat nalang ako ng sumakay siya sa kotse nagpapahatid." irita niyang paliwanag.
"nagpapahatid? Teka! Nanligaw ba siya sayo?" naguguluhang tanong nito.
"how i wish.." bulong niya sa sarili.
"heck!! Kainis talaga!"
"kung naiinis ka sa kanya bakit ka sumama sa unit niya?"
"niyaya niya akong kumain at mapilit din siya mom kaya wala akong nagawa."
Napatawa ang ina niya kaya mas lalo siyang nainis.
"magbihis ka na ihanda ko muna itong dala mo." ngiting sabi nito saka tumungo na ito papuntang kusina dala ang take-out niyang pagkain.
Naiwang siyang gigil na gigil sa sofa. Idagdag pa kanina na hindi siya pinansin ng binata.
.
.
.
.
Kanina pa siya nakahiga pero hindi pa siya dinalaw ng antok.
Paulit ulit na dumalaw sa kanyang utak ang imahe ng binata na walang emosyon sa mukha.
Teka! Ano ba ang nangyari sa kanya at iniisip ang binata?
Baliw na ba siya?
Gusto na niyang maiyak sa inis sa sarili sa kapipilit na matulog pero hindi talaga maki-cooperate ang kanyang mata.
Siya pa ba ito? Baka may sumanib sa ibang espiritu sa kanyang katawan kaya siya ganito.
Tihaya, tagilid sa kanan at kaliwa na ang posisyon niya pero wala talaga kaya nagdisesyon siyang tumayo at dinampot ang malaking jacket na nasa stand at sinuot.
Gusto niyang bigyan linaw kung ano talaga ang naramdaman niya. Nagdududa na siya sa sarili.
Sana hindi lang.
Nagtaka pa ang mommy niya ng makita siyang bumaba sa hagdan.
"saan ka pupunta?" takang tanong nito.
"don't worry mom babalik agad ako may pupuntahan lang ako saglit."sagot niya saka tuloy tuloy na lumabas.
Para siyang iwan habang nasa loob ng sasakyan. Nasa parking lot siya ng loof unit.
Nakailang buga muna siya ng hangin saka nagdesisyon na lumabas sa sasakyan.
Todo kabog ang dibdib niya. Shit lang! Bakit ganito ang pakiramdam niya?
Ramdam na ramdam niya ang pawis sa kanyang kamay na nanlalamig.
Bakit siya nagkaganito?
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
