DMBB 13

12 1 0
                                    


Tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng dalawa  habang panay ang tawa pa nito.

Bored na bored na siya ng  biglang namatay ang lahat ng ilaw.

Nagblack-out ba?
May narinig siyang mga sigawan ng tao na waring nasisiyahan pa.
Bigla siyang kinabahan at mabilis na inabot ang kaibigan ng hindi sinadya nakatabig niya ang nasa mesa.

Lumikha ng ingay ang natabig niya kasunod ang pagkislap ng ilang ilaw na kulay pula at blue sa paligid.

Nagtaka siya.
Mas nagtilian naman lahat ng tao sa paligid at pumailanglang ang napakalamyos na musica kasunod ang pagkislapan ng iba't ibang kulay na ilaw na waring nagsasayaw sa paligid dahil kahit saan ito tumama at ang mga tao ay nagtakbuhan sa dance floor nagsasayaw.

"let's have fun kath..." tili sa kanya ni charifil at hinila siya.

"No--

" let's go!!"saka inakay na siya habang sumasayaw na ito.

Wala siyang nagawa kundi ang nagpatianod nalang sa kaibigan.

Agad itong nagsasayaw sayaw kasabay ng mga tao sa dance floor samantala siya waring nahihilo sa nagkislapan na ilaw.

" nahihilo ako cha..."saka iniwan niya ang kaibigan.

Nagtaka naman ang binata ng makita siyang bumalik nasa mesa.

"mukhang hindi ka nag eenjoy?" tawang tanong nito pag upo niya.

Ngumiti siya saka inabot ang tanduay ice at nilagok.

"nahihilo ako sa ilaw. Masakit sa ulo."

Napatango ito saka nag-inom din ng alak na order nito.
Naramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone kaya pasimple niya itong kinuha sa suot niyang pants.

Nanlaki ang  mata niya ng makita ang pangalan sa tumatawag.
Si jhon michael.
Bakit ito tumawag?
Napatingin siya kay jhon Gabriel pero nag kibit-balikat lang ito saka nag iiling.

"baka namiss  ka na niya kaya nagparamdam." tawang sambit pa nito.

Napahugot siya ng hininga saka pasimpleng sinagot ang tawag.

"hello..."

"hi--where are you??" masungit na tanong nito instead na  tapusin ang pagbati. Baka dahil sa ingay sa paligid kaya ito nagtanong.

"nasa romance empire ako kasama si jhon Gabriel." pasigaw niyang sagot.

"What?? With who??" sigaw ding tanong nito.

"ay bingi lang! Kasama ko si charifil." ikot mata niyang sagot.
Napatawa naman si jhon Gabriel sa kanyang inasal.

"sino yung tumawa?" pagdududa na tanong pa nito.

"wala namang tamawa!"inosente niyang sambit.
Mas lalong tumawa si jhon gabriel.

"may narinig ako runther!" inis na sabi nito sa kabilang linya saka marahang huminga ng malalim.

"sa kabilang mesa yun!"

"hindi... Makiramdam  ko nasa tabi mo ang tumawa. May kasama kang lalaki??." halos pasigaw na tanong nito.
Mabilis niyang nilayo ang cellphone saka binigay kay jhon Gabriel.

"kausapin mo yang kapatid mong may sayad." inis niyang sabi kay  jhon Gabriel.

Napahalakhak na ito saka nilagay sa tainga ang cellphone.

"bro... May sayad ka daw." tawang sambit pa nito saka mabilis na nilayo ang cellphone sa tainga. Ngumiwi pa ito.
"pinatay niya ang tawag." tawang sabi nito saka inabot ang cellphone niya sabay tumayo.
"have fun Kathleen mauna na ako. I already paid the bill. " at iniwan na siya.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon