Medyo may kadiliman na ng bumaba sila sa jet-ski. Tawang tawa naman si james paul at ginulo ang kanyang buhok.
"may boses ka pa ba?"
"of course." napangiwi siya ng pumiyok ang boses niya.
"let's eat first bago tayo uuwi. Alam kung kanina ka pa hinanap ni jhon michael doon." sambit nito saka inalalayan na siya patungo sa mga tent kung saan may nakadisplay na mga pagkain at ilang snack.
"anong gusto mong kainin?" tanong pa nito pagkalapit nila sa may mga display.
Nagkagat labi siya at suminghot.
"bawasan mo nga yang ka singhot singhot mo. Namumula na yang ilong mo para kang si joker na may kamatis sa ilong." litanya nito kaya inis siyang umirap sa binata saka tinuro ang fried chicken at spaghetti.
"make it two miss. Dito kami kakain. Salamat." magalang na sabi pa ni james paul.
Hindi niya mapigilang mapatitig sa binata. Mabait naman pala ito.
"baka mainlove ka sa akin kath paano nalang si Michael." tawang sabi nito.
Hindi niya mapigilang mag ikot ng mata saka inabot ang kanyang pagkain na binigay ng babae.
"ang feeling mo." saka tinalikuran na niya ito at naghanap ng bakanteng mauupuan.
Agad siyang kumain pagkaupo sa mesa dahil nakaramdam siya ng gutom. Subo ng spaghetti at subo ng fried chicken sa kabilang kamay. Kitang kita niya ang amaze na mukha ng binata halatang natutuwa sa kanyang inasal.
"so ganyan ka pala..."wala sa sariling bulaslas nito saka ngingitian siya.
" mabuti at hindi ka tumaba sa style mo."
" sekretong malupit yan. "ngising sabi niya saka nag-abot ng juice sa gilid ng mesa.
Tumango tango naman ito saka kumain na din.
" teka akala ko ba hindi mahilig sa spaghetti ang mga lalaki. "piyok niyang sabi saka lumunok. Masakit na ang kanyang lalamunan. Idagdag pa ang malamig na juice na iniinom niya.
" sinong nagsasabi? Alam mo bang paborito ko ito. "nanlalaking mata nitong sabi.
Napatawa nalang siya saka nagpatuloy sa pagkain.
Gabi na ng bumalik sila sa resort at himalang walang nakaabang sa kanya sa entrada ng resort.
Dari-daritso siya sa loob kasunod ang binata. Ngingitian pa niya ang staff sa front desk saka tumungo sa elevator.
"himala ata at walang nakaabang sayo." pagpupuna ni james paul saka ito ang nagpindot ng 3rd floor.
Nagkibit balikat lang siya at napatitig sa numero sa ibabaw ng elevator kung saan nakalagay kung ilang floor na sila.
Sabay sabay silang lumabas at nagngingitian.
" mauna na ako james salamat sa time. I really enjoy! Good night." mahina niyang sabi saka una ng tumungo sa kuwarto.
Expect niya pagbukas ng pinto sa kanyang kuwarto nandoon si jhon michael nakaabang pero nadismaya siya ng sumalubong sa kanya ang kadiliman.
Naramdaman niya ang tila pamimigat ng kanyang dibdib. Kinapa niya ang switch tumungo daritso sa kama at doon sinubsob ang mukha.
Pagod ang katawan niya pero hindi ang kanyang mata. Walang babalang tumulo ang luha niya. Napayakap siya sa unan at mahinang humihikbi.
Humihikbi dahil sa lungkot at sakit na naramdaman.
Mahal na mahal niya si jhon michael sigurado siya doon pero ang hindi niya sigurado kung mahal din ba siya ng binata.
Mali ata siya ng napili kaya nasasaktan siya ng ganito. Kung si james Paul ang pinili niya hindi siguro niya ito maranasan ang ganito.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
