"hindi dapat malaman ni Kathleen. Please james do something."
Natigilan siya sa pagpasok ng marinig ang boses ng mommy niya.
"I'm trying.... I'm begging to them but-- I'm sorry wife!! It's my fault." his father muttered.
"bakit mo pinabayaan? Ano ang ikatwiran natin sa kanya kung magtanong siya?" rinig niya ang pag asik ng mommy niya.
Napakagat labi siya saka marahang lumayo sa pinto.
"hindi ko pinabayaan wifey sadyang matulis lang sila kaya nakuha nila sa akin- sa atin!"rinig niya ang pagtaas ng boses ng ama kaya napahinto siya.
" ok fine wala na tayong magagawa nandiyan na eeh!! Hala kausapin mo ang anak mo doon at magpaliwanag ka."paasik ding sambit ng mommy niya.
" wifey...saka na. Wag nating sirain ang araw ni bunso. "mahinang pakiusap ng daddy niya saka narinig ang pagbukas ng pinto.
Nataranta siya lumakad palabas ng cottage.
"ate si mommy at daddy?" salubong na tanong ng kapatid niya.
"nasa loob ata." wala sa sarili niyang sambit saka nilagpasan ang kapatid.
"huh? Ata??" takang tanong ng kapatid niya.
Napahinto siya sa paglalakad.
Ano ang ibig sabihin ng mga magulang niya? Ano ang nakuha sa kanila?
Napaisip siya at nag iiling ng pumasok sa kanyang isip ang shipping cargo.
No!
Imposible.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"kay paul na kayo sumabay baby may dadaanan pa kami ng mommy mo, isama mo na ang kapatid mo."
Napahinto siya sa pagtupi ng damit at nag angkat ng tingin sa ama. Agad itong nag iwas ng tingin at tumayo.
Hindi niya mapigilang magtaas kilay sa inasal ng ama niya. Anong problema ng ama niya?
"ivan sumama ka sa ate mo, kay kuya paul kayo sumabay." harap nito sa bunso nila at namaywang.
"wag magpasaway."
Kita niya ang pagtango ng kapatid habang nasa cellphone ang mata nito.
"at saka wag masyadong magbabad ng cellphone dahil nakakasira yan ng mata." dugtong nito kaya napaangkat ng tingin ang bunso nila at ngumiti.
"please dad only this time!!"
"kahit na! Akin na yan." inis na sabi nito saka inagaw ang cellphone na hawak ng kapatid niya.
Hindi niya mapigilang mapatayo dahil sa inasal ng ama. First time niyang makita ang ama na ganito.
"dad!,."malakas niyang sambit kaya napatingin ang dalawa sa kanya.
Agad siyang lumapit sa mga ito at kinuha ang cellphone sa kamay ng ama.
"Ngayon lang naman nakababad ng cellphone si ivan pagbigyan niyo na. Pagkauwi sa atin hindi na yan makahawak ng cellphone dahil nasa textbook ang atensiyon ni'yan." saka inabot ang cellphone sa kapatid.
Nakita niya ang pagtagis bagang ng ama kaya napangiti siya.
" are you ok dad? May problema ba?"mahina niyang tanong sa ama saka hinawakan ito sa kamay.
Kita niya ang paghinga ng malalim ng ama saka pumikit ng mata.
Agad niyang inalalayan ito paupo tabi ng kapatid niya.
" tubig ivan please... "hingi niya sa kapatid kaya mabilis itong napatayo at lumabas para kumuha ng tubig.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
