DMBB 5

47 2 0
                                        

Kathleen

Hindi alam ni Kathleen ang gagawin pagkatapos siyang pinalabas sa opisina.

Poot at galit ang naramdaman niya  kung sana hindi siya naglayas hindi niya maranasan ang ganito. Maganda sana ang kanyang sitwasyon kung nanatili siya sa bahay nila.

Dali dali siyang lumabas sa elevator pagbukas at mabilis na pinahid ang luha na pumatak sa pisngi.

She really hate jhon michael!

Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas na ganito ka lupit.
Sa bahay nila tinuturing siyang prinsesa ng mga magulang niya.

"Kathleen..."takang sambit ni tita rose ng makasubong niya ito sa hallway papuntang laundry area.

" tita rose... "hikbi niyang sambit at niyakap ang ginang.

Naramdaman niya ang mahinang haplos nito sa likod at ginaya siya papasok sa laundry area.

Suminghot siya bago tumingin sa ginang.
Nakita agad niya ang pag alala nito base sa mukha.

"pinagalitan ka ba ni Jhon michael?" tanong nito.
Napailing siya at nagkagat labi.
Pilit na nilabanan ang luha na handang papatak.
Kinurap kurap  pa niya ang mata.

"I'm sorry tita rose!" kagat labi niyang sambit at pinahid ang gilid ng mata.

Alam kasi ni tita rose kung sino siya kaya ito lang ang kanyang masasandigan ngayon.

"sshhh..." alo nito saka hinaplos ang kanyang buhok.
"mag half day ka nalang, ako ang gagawa ng rason kung hahanapin ka ni Michael!" ngiti na sabi nito.

Napatango siya saka dali daling tumungo sa quarter area nila kung saan sila nag stay.

Mabilis siyang humiga sa kama pagpasok sa kuwarto at doon pinakawalan ang bigat sa dibdib.

Nagisnan niya nalang na medyo maingay ang paligid.
Uminat siya bago dumilat ng marahan.

Agad niyang napansin ang ilang crew na busy sa pag retouch ng mukha at ang iba naman ay naglagay ng lipstick sa labi.

"hoy! Kathleen bakit nakahilata ka lang diyan?" taas kilay na tanong ni betty. Isa sa mga crew sa kitchen.
"oooh... Anong drama mo at namamaga yang mata mo!! " Tawang sambit nito saka naglagay ng lipstick sa pisngi.

Ngumiti lang siya saka humiga ulit.

"ok na ba ang hitsura ko??" narinig niyang sabi ng isang crew din.

"anong lipstick ba ang gamit mo?" intriga na tanong ng isa.

"kanina pa kayo diyan hindi pa ba kayo tapos? Marami ng tao sa kitchen!" buong boses na sabi ni tita rose. Narinig pa niya ang pagsara ng pinto.

"lalabas na kami maam rose.." sabay sabay na sabi ng mga dalaga. Napabangon nalang din siya.
Ngumiting ang ginang sa kanya pagbaling at lumapit.

"mukhang busy po sa labas tita...lalabas nalang ako mamaya baka may maitulong ako doon!"mahina niyang sambit

" ikaw ang bahala, pero wag kang magpakita muna kay jhon michael masyado pang mainit ang ulo niya sa'yo. "mahinang sambit ni tita rose at hinaplos ang kanyang buhok.
Napangiti siya at napatango.

" salamat tita rose! "

" naku walang problema! Sige na maiwan na kita! "saka iniwanan na siya.

Sa laundry area siya dumaritso paglabas sa kanilang quarter area.

" hi kath..."ngiti bati sa kanya ni Jerome katabi ni kelly.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon