DMBB 16

31 1 0
                                        

Panay ang lunok ng binata at  pilit na wag pansinin ang katabi pero sadyang mapanukso si satanas.

Humugot siya ng hininga kaya lahat ng amoy ng dalaga pumasok sa kanyang ilong.
Bigla siyang nakaramdam ng pang iinit.

Damn!
Patawarin sana siya ng dios.

Kahit anong pilit na mag concentrate hindi talaga niya magawa dahil ang makasalanan niyang ilong at mata na pasimpleng tumingin sa katabi.

Ng matapos  ang misa agad niyang niyaya sa parke ang dalaga sa may mga upuan sa ilalim ng kahoy.

"pasensiya kagabi binibiro lang naman kita." depensang sambit ng dalaga pagkaupo nila.

"it's ok kath!"

"woooh.. Tinawag mo na ako sa aking pangalan" ngiting sambit nito kaya napatitig siya sa dalaga.

Nakaclose up ang ngiti ito habang nakalipad ang ilang hibla ng buhok sa kanyang mukha.

Wala sa sarili niya itong hinawi kaya kapwa sila natitigan at mabilis  na nag iwas ng tingin. Bahagya din siyang lumayo nito.

"kaya pala hindi ka na nagparamdam dahil may pinalit kana." ani ng isang boses lalaki.

Sabay sabay silang napatingin sa lalaki papalapit.
Naramdaman niya ang paghawak ni Kathleen sa kanyang braso. Napatitig siya sa lalaki. Pamilyar ito sa kanya.
Sana ba niya ito nakikita.

"ito ba ang pinagpalit mo sa akin?" maangas na tanong pa nito sa dalaga saka sinulyapan siya.

"excuse me!!" pagsasali niya.

"si Kathleen ang kausap ko hindi ikaw." bulyaw nito sa kanya.

Napahugot hininga siya. May ilang nakatambay sa parke na nakatingin na sa kanila.

"Did you know him wife?" galit niyang tanong sa dalaga at nagsenyas gamit ang mata.

Nakita niya ang tila gulat na dalaga at marahang kumapit sa kanyang balikat. Nag iiling.

"Wife??" nanlalaking mata nitong  bulaslas.

"Yes!! May problema?" baling niya sa lalaki.

"your married??" galit na baling  nito sa dalaga.

"kilala mo ba siya wife??" galit niyang tanong sa dalaga kaya mas lalo itong naging confused ang hitsura.

"I'm sorry... I think i mistook your wife!! I'm sorry!" saka nagmamadali itong umalis

Katahimikan ang namayani sa kanila nakalipas ang ilan minuto.
Pinakiramdamaan niya  ang  dalaga saka kunwaring napabaling ng tingin  ng matigilan siya.

Umiiyak ito.

Mabilis niya itong sinapo sa mukha at pinahiran ang luha.

" si james paul yun...ang lalaking gusto ko sanang alayan sa lahat lahat ko..." iyak nitong sambit kaya kinabig niya ang dalaga at hinaplos ang likod.

Nagtagis bagang siya at marahang nagkuyukom sa kabilang kamay.

"pero pinaglalaruan lang  niya ako kaya pala siya nagpakilala sa akin at nanligaw dahil may kapalit na presyo ang ulo ko." hikbi nitong sambit.

Napapikit siya ng mata at hinigpitan ng yakap ang dalaga. Kung kaya sana niyang pawiin ang naramdaman nitong sakit gagawin niya pero hindi niya alam kung paano.

" it's ok! It's ok! I'm here for you! "ngiti niyang alo sa dalaga saka tiningnan ito sa mga mata.
Namumula na ang ilong ito sa kaiiyak.

Marahan niyang pinahid ang luha nito saka hinawi ang buhok at inipit sa magkabilang tainga.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon