DMBB 27

14 1 0
                                    


Hindi mapigilang magkonot-noo si Kathleen habang papasok ang sasakyan nila sa gate.

"may bisita kayo?" takang bulaslas din ni james paul saka umimbis ng sasakyan pagkahinto at pinagbuksan siya.

"i don't know! Ngayon ko lang din yan nakikita dito." saka  umikot sa likuran para gisingin ang dalawa.

"were here!" lambing niyang sambit saka hinaplos ang ulo ng kapatid. Mabuti at nagising agad ito.

"ate nasa bahay na ba tayo?"piyok nitong tanong saka nag inat. Nagtango siya kaya agad itong lumabas at tumakbo papasok sa loob.

Kasunod niyang gisingin ang anak niya.

" darling wake up.. Were here.". saka hinaplos ang pisngi ng anak.

Kita niya ang marahang pagmulat ng mata nito saka pumikit ulit.

"I'm sleepy mom. Can i take a nap?"she muttered her eyes was closed.

Napangiti siya saka hinalikan ito.

" ako na ang magkarga sa kanya ito nalang sayo. "

Agad niyang kinuha ang binigay na take-out nilang pagkain kanina.

" tito daddy can you please stay for a while. "her daughter request.
Ang maliit nitong kamay na yumakap sa leeg ng binata.

Napatingin siya sa binata kitang kita niya ang marahang pagtango nito.

" yes sweetie hindi ako aalis. "

Nag iiling siya saka nagpatiuna ng pumasok sa loob bitbit ang dalang pagkain ng matigilan siya kung sino ang kausap ng ama niya.

Bigla atang sumikip ang kanyang dibdib ng makilala ito.

Lahat ng galit at sakit na kinalimutan niya ay biglang bumalik.
Prenteng nakaupo pa ito sa sofa na naka number-four ang paa habang nakatingin sa kanya.

What the fuck!

Lumonok siya at pilit na hinamig ang sarili ng ngumiti ng bahagya.

"good evening!!" pilit niyang umakto ng normal kahit na nanginginig siya.
"hi dad!" saka humalik sa ama.
"may dala kaming ulam sa kusina ko na ito dalhin para mahanda ko na." mahina niyang sambit saka marahan humakbang na ng matigilan siya at tumingin gawi kay james paul na kapapasok lang sa pinto.

Napalunok siya dahil sa bumabangong kaba sa dibdib at tumingin gawi sa ama at kay jhon michael na nakatingin din sa may pinto.

Kitang kita niya ang pagkunot noo ni jhon michael at ang pagtagis bagang nabahala siya bigla pero napanatag nalang siya dahil hindi nito nakikita ang mukha ng bata.

"j-james sa itaas mo na idaretso ang bata." nauutal niyang sambit saka mabilis na tumalikod papasok sa kusina.
Ayaw niyang makita ang reaksiyon ni jhon michael baka madala siya ulit nito.

Nanghihina niyang nilapag sa mesa ang dalang pagkain at umupo sa upuan.

Hindi pa siya handang harapin ang binata. Natatakot siya.

Takot siyang kunin ang anak niya at iwanan siyang nag-iisa.


***

"anong ginagawa dito ni jhon michael, dad?" hindi niya mapigilang magtanong habang kumakain sila ng hapunan.

Kita niya ang pagtinginan ng kanyang magulang saka nagpalitan ng tingin hindi niya mapigilang magtaas kilay saka binaba ang hawak na kutsara at tinidor.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon