DMBB 34

15 1 0
                                    

Nagising si Kathleen dahil pakiramdam niya sobrang ingay sa baba pati ang telephone minu-minuto tumutunog.

Kinisot niya ang mata saka kinumutan ang anak na himbing na natutulog. Hinalikan muna niya ito bago nagdesisyon na lumabas sa kwarto.

Sa hindi inaasahan sumalubong sa kanya ang tila nagkakagulo na mga tao at pansin din niya marami ang mga pulis na pumasok - labas sa bahay.

Dahan dahan siyang bumaba sa hagdanan. Kita niya ang ginang sa may sofa umiiyak habang yakap yakap sa asawa inaalo kausap ang dalawang pulis.
Si Cassandra naman ay panay ang pindot pindot sa computer nitong kaharap.

"Ano po bang meron manang karing?" hindi niya mapigilang tanong.
Parang kinabahan na din siya.

Kita niya ang pagdaan na sakit sa mata nito saka ngumiti ng bahagya.

"Wala na ang dalawang anak nila geraldine. Si jhon michael at si jhon Gabriel.!"naiiyak nitong sabi.

Parang namanhid ang buo niyang katawan pagkarinig sa sinabi nito.
Lumunok siya at nagpahid ng luha sa mata.

" P-Paano p-po b-ba n-nangyari y-yun?"utal niyang tanong saka napahikbi na.
Kagabi palang nag uusap sila ni Michael.

No! This is not true!

"Hindi ko rin alam iha." matamlay na ani nito saka iniwanan na siya.

Napahagulhol siya ng iyak saka napasalpak sa sahig.

Kung alam lang niya na ito ang mangyayari sana kagabi palang pinatawad na niya ang binata.
Talagang may kasabihan na "nasa huli ang pagsisisi".

"Oh God iha...." iyak na ani ng ginang papalapit sa kanya at niyakap siya. Kapwa sila nag iyakan.

"I'm so sorry po! Kung hindi dahil sa akin hindi po mawawala ang anak niyo.! Patawarin niyo po ako." hagulhol niyang sambit.

"sshhhhh... Don't blame your self iha. Wala kang kasalanan." alo ng ginang.

"No! Dahil po sa akin kaya nawala po siya!" iling iling niyang hikbi.
"kung nakipag-ayos lang ako sa kanya kagabi sana nandito pa po siya. I'm so sorry!" iyak niyang sabi sa ginang.
"Nag-aaway po kami kagabi bago siya nawala kaya may posibilidad na ako ang may kasalanan." hikbi niyang sabi.


.
.
.
.
.
.




<Thank you for the happy memories! Please Takecare of my child! I think it's over!>


.
.
.
.
.
.




Yun ang salita na paulit ulit na umalingawngaw sa utak ng dalaga.

Iwan niya kung paano niya nalampasan ang masakit araw na yun pero isa lang ang tumatak sa kanyang isipan dahil sa kanya kaya nawala si jhon michael at nadamay si jhon Gabriel.

Hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng dalawa.
Ilang beses na siyang kinausap at sinabihan na hindi niya kasalanan pero hindi niya kayang matanggap sa sarili.

Dahil alam niya na may kasalanan din siya kay jhon michael.
Kung hindi lang niya ito tinaboy noon sana maayos na sila ngayon at masaya.

Napahagulhol siya ng iyak at gigil na kinusot ang sariling balat. Hindi siya nakaramdam ng sakit. Kinurot niya ulit ang sarili hanggang sa dumugo ang kanyang balat at yun ang naabutan ng kanyang mga magulang.

"Stop hurting yourself Kathleen!" tiling sabi ng daddy niya saka siya niyakap ng sobrang higpit.

Napahikbi siya hanggang sa humagulhol.
Nag iiling siya.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon