DMBB 7

12 2 0
                                    

Nagising siya ng maramdaman ang mainit na bagay sa noo.
Pinilit niyang inaninag ang mukha pero masyadong malabo sa kanyang mata kaya pumikit siya ulit.

"ano bang ginagawa mo bata ka? Bakit ang taas ng lagnat mo? Bakit ka ba natutulog na basa ang buhok?" sunod sunod na usisa nito at hindi siya magkamali boses ni tita rose.

"naglinis kasi siya sa rooftop kanina baka naulanan po maam!" narinig niyang mahina na sambit ni kelly.

Gusto niyang magsalita at dumilat pero hindi niya kaya. Hinang hina talaga ang pakiramdam niya. Sobrang sakit din ng ulo niya na parang binibiyak.

Pati ang pagkilos hindi niya kaya. Wala siyang lakas. Gusto niyang umiyak pero nagpigil siya.
Namiss niya tuloy ang kanyang mommy ito kasi ang mag alaga sa kanya pagmagkasakit siya.

"t-tita r-rose--

" wag ka nang magsalita diyan! " ramdam niya ang paghaplos ng kanyang buhok.

" t-tubig.. "mahina niyang hingi saka marahang dumilat.
" p-please don't tell tita bobby about this! "she plead at inabot ang kamay ni tita rose. Naaninag na niya ang mukha nito kaysa kanina pagmulat niya.

Tumango tango naman ang ginang at hinaplos haplos ang kanyang buhok.

" heto! "abot ni kelly ng isang basong tubig paglapit sa kanya.
Ngumiti siya sa dalaga.
" nabasa ka ba ng ulan kanina? "sita pa nito

"medyo!" mahina niyang tugon saka inimun ang tubig.

"bakit hindi mo iniwanan ang trabaho para sumilong?" sita pa ng ginang saka ito pa ang nagkuha ng baso niyang hawak.
"sige na kelly magpahinga kana! Maaga pa tayo bukas." mahinahon na sabi nito kay kelly.

Marahan tumango ang dalaga at umalis na.

"I'm sure wala pang laman ang tiyan mo!" malumanay na sabi ni tita rose.

"I'm fine tita rose! Wala akong ganang kumain!" hina niyang sabi.

Naramdaman niya ang tila may gumihit na masakit sa kanyang ulo. Napapikit siya at pilit na wag maiyak.

Help me lord!

Naramdaman niya ang mahinang tapik ni tita rose sa kanyang braso na parang hinihili siya.

She feel awkward at the same time she feel home!

Nagising siya kinabukasan na mataas na ang sinag ng araw. Narinig pa niya ang mahinang musica sa rooftop dahil bukas ang kanyang bintana.

Akmang bumagon siya ng biglang umikot ang kanyang pakiramdam.
Napahiga siya ulit at pumikit.

Ramdam na ramdam niya ang butil na butil na pawis sa kanyang noo.

Marahan siyang dumilat at inikot ang paningin. Gusto niyang bumangon pero hilong hilo pa rin siya.
Mas lalo atang sumakit ang ulo niya  kumpara kagabi.

Mabilis niyang pinahid ang luha na pumatak sa pisngi at sinandal ang sarili sa headboard ng kama.
Naiiyak na siya.

Pakiramdam niya para siyang nilulutang ng hangin dahil sa sobrang gaan.

Kailangan niyang labanan ang sakit na ito dahil wala siyang magagawa pag ipapairal niya ang kanya sakit.
May trabaho pa siya.

Pinakalma muna niya ang sarili ng ilang minuto bago nagdesisyon na bumaba sa kama at mabuti nalang nakiayon sa kanya ang kanyang ulo.

Dali dali siyang naligo at nagbihis.
Hindi na siya nag-aksaya na maglagay ng anong make up sa mukha.

Sinulyapan niya ang mukha sa salamin. Namumula ang mukha niya bahala na. Hindi naman siya namumutla.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon