Hindi na nagtaka si jhon michael ng makitang bukas pa ang stock room kahit madilim na sa labas.
Tiningnan niya ang relong pambisig. Mag alas otso na ng gabi.
Marahan siyang lumapit sa pinto at kumatok ng bahagya bago sumilip sa loob.
Nakatingin sa kanya ang dalaga habang hawak ang mga libro sa kamay.
"bukas mo na yan ipagpatuloy gabi na!" saka marahang ginala ang paningin.
Hindi pa masyadong naayos at halatang nahihirapan itong mag organisa ng mga gamit.
"it's ok sir! Tatapusin ko ito!" ngiting sagot ng dalaga at nagpatuloy sa paglagay ng libro sa may bookself.
"ok! Don't forget the paper tomorrow !" paalala niya sa dalaga saka una ng lumabas sa opisina at daretsong tumungo sa elevator.
Pagod na pagod siya at gusto niyang magpahinga ng maaga pero ang ngiti ng kanyang labi ay hindi mawawala.
Ngiting ganti!
Agad siyang sinalubong ni nanay sonia pagdating ng bahay.
"iho..Mabuti at nakauwi ka! Ipagluluto kita!"
"I'm ok manang, nakakain na ako! Kumusta po kayo?" saka umupo sa sofa at sumandal.
"mabuti naman...sa taas ka na dumaritso para makahinga ka ng maaga!" mahinang sabi ni nanay sonia.
"yeah... I love'd too!" saka tamayo na siya at binaybay ang hagdan paakyat.
Agad siyang humiga sa kama pagpasok at pumikit ng mata hindi na din siya nag abalang magbihis dahil nakatulog siya agad.
Nagising siya maliwanag na sa labas ng bahay.
Mabilis siyang napabalikwas ng bangon at napahawak sa noo.
Napatitig pa siya sa sahig ng ilang minuto bago pumasok sa loob ng banyo para maligo.
Wala pang alas siete ng umaga agad siyang tumungo sa JJJ Resort.
Sa kitchen siya dumaritso kung saan may mga nakadisplay na pagkain, frutas at dessert.
"this one!" pointing the plain cake.
"and black coffee." saka umupo sa bakanteng mesa malapit sa counter area.
Ilang minuto lang dumating ang order niya.
"good morning sir! Enjoy your coffee!" ngiting sabi ng crew.
Tumango lang siya saka kinuha ang cellphone sa kanyang pocket dahil naramdaman niya ang pag vibrate nito.
Mother calling...
Napangiti siya bago sumagot.
"good morning mom!"
"good morning baby... Kumusta ka diyan? Kumain ka na ba?" alalang tanong nito.
"I'm having a coffee!"
"coffee?? Kumain ka ng heavy meal para hindi ka magka ulcer!"
"Mom!" kontra niya sa ina
"ano ba jhon michael kung hindi ka tumanda hindi ka magkaganyan!" usisa ng ina niya. Napangiti siya at nag iiling.
"ok!ok!ok!"
"Good! Mag ingat ka diyan! Kumusta ang trabaho mo sa resort??"
"maayos lang naman mom! How's dad?"
"ito natutulog pa! Sige na ingat ka diyan baby...mommy love you!" lambing na sambit ng mommy niya.
"love love!" saka niya binaba ang cellphone at hinigop ang coffee.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
