Hindi niya mapigilang mapangiti ng makitang masaya ang kanyang lolo habang pinakinggan ang kanyang narecord na usapan nila ng dalaga kagabi.
Humugot siya ng hininga saka tumayo na.
"So... Ok na ba grandpa?" ngiti niyang untag.
"yeah... But still you need to stick to her, hhhmmp!" taas kilay na tingin nito.
Nawala bigla ang kanyang ngiti at humalili ang pagsimangot.
"pero lolo...sapat naman ata yang ebidensiya na yan." katwiran niya
"oo pero dapat may mas matibay pa tayong ebidensiya. Mahirap na baka makalabas pa yan sa kulungan at ubusin ang pamilya natin." taas tono nitong sabi.
Napahugot hininga siya saka napatango nalang.
"saka muna isipin ang inyo ni Kathleen pagkatapos nito."
Napatingin siya sa kanyang lolo at napangiti ng bahagya. Paano nalaman ng lolo niya ang tungkol nila ni Kathleen.
"wag mo akong ngingitian ng ganyan jhon michael dahil alam ko ang ginawa mo kay Kathleen." ngising sabi pa nito.
Bigla siyang napaubo sa narinig.
"kaya bago kita isumbong sa ama niya sundin mo ako." duro nitong sabi.
"urgh... Fine!! Wala akong choice. I have to go." excuse niya sa tumalikod na.
Ayaw na niyang makarinig ng ano ano pa mula sa lolo niya kung kailangan sundin nalang niya lahat ang gusto nito.
***
Init na init siya sa kanyang sarili pagdating dahil naipit siya ng halos dalawang oras sa edsa dahil sa traffic.
Daritso daritso siya sa opisina pagpasok at hindi pinansin ang mga empleyado niya na bumabati.
Naabutan niya ang dalaga sa mesa nito sa may entrada may hinalungkat na mga papeles.
Nilampasan niya ito at daritsong pumasok ng natigilan siya saka napatingin sa dalaga. Seryoso parin itong nakatingin sa mga papeles waring hindi siya pansin.
Hindi niya mapigilang ipagtagpo ang dalawang kilay saka tumikhim pero hindi parin siya pinansin.
Nilakasan pa niya ang tikhim pero wala padin.
Napangisi siya saka nag desisyon na lumapit.
" Ms. Marquez?" and knock the desk.
"Po--- Sir??" bulaslas nito saka napatayo bigla ng makita siya.
"I'm sorry Sir!!" yukong sambit nito.
"masyado kang absent minded Ms. Marquez." iling niyang sambit saka iniwan na ito at pumasok na sa opisina.
Mabilis niyang hinubad ang jacket na suot at hinagis sa bakal na lalagyan.
"sir!" katok na tawag ng dalaga sa kanya.
Agad siyang napaupo at inabot ang isang magazine saka binuklat.
"pasok!"irita pa niyang sambit.
Hindi niya mapigilang silipin ang mga paa nitong lumakad papalapit sa kanya hindi siya mapapansin kasi natatakpan ang kanyang mukha magazine na hawak.
" sir? "untag pa nito.
" speak up Ms. Marquez I'm listening! "
Rinig niya ang mahinang tawa ng dalaga kaya binaba niya ang hawak na magazine at tinitigan ito ng matalim.
" what's funny? "
Kathleen bite her lowerlips and pout it.
" nothing Sir, Sorry! Tumawag kasi ang daddy niy--aah Si Sir Florez at pinasabi, kung pwede agahan mo daw ang pag uwi ngayon--emergency!" kagat na sambit nito halatang pinipigilan ang ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
