DMBB 18

32 2 0
                                        

Kathleen

We wish you a merry Christmas
We wish you a merry Christmas
We wish you a merry Christmas
And a happy new year.

Halos lahat ng madaanan ni Kathleen na establishment yun ang mga kanta. Malaki o maliit na establishment walang pinili.

Napangiti siya at mas minadali ang paglalakad. Mag alas onse na ng gabi. Isang oras nalang magpasko na. Kung bakit kasi nagtrabaho pa siya kahit araw ng pasko kaya ito ang napala niya.

"merry Christmas!" tili niya ng buksan siya ng pinto ni bobby pagdating.

"merry Christmas beauty!" bati din ni bobby sa kanya saka pinitik ang ilong niya.
"mas lalo ka atang na blomming ngayon. Nagkaboy-friend ka na ba?"

"of course not!!" kaila niya saka pumasok na.

"lokohin mo pa ako." sabi nito habang nakasunod sa likod niya.

Napatawa nalang siya.

"merry Christmas lola's.." tili niya ng makita ang kanyang dalawang lola saka niyakap ang mga ito.

"merry Christmas apo...naku bata ka bakit ngayon ka lang?" usisa ng isang lola niya ng maghiwalay ng yakap.

"alam mo bang bawal sa mga babae ang madiliman sa labas dahil maraming gumagala na mga rapist ngayon." segunda din ng isang lola niya.
Napangiti nalang siya.

"may binili kasi ako para inyo." ngiti niyang sabi saka inabot ang binalot na regalo.

"salamat apo.." nasisiyahan sambit ng dalawa.

"naku ang daya.... Saan ang akin?" singit ni bobby kaya napatawa silang lahat.

"sa naalala ko ikaw itong magbigay ng regalo sa mga lalaki." ani ng ama niya kaya napasimangot si bobby.

"bakit bawal bang mag assume baka sakaling meron ding akin." nanlalabing sambit nito kaya napuno ng halaklak ang buong bahay.

"merry Christmas dad, mom." baling niyang bati sa kanyang mga magulang saka niyakap niya ang mga ito.

"merry Christmas baby.." masuyong bulong ng ama niya kaya napangiti siya saka bumaling sa ina.
"thank you for everything mom, dad."

"hay naku wag na tayong magdrama." ani ng ina niya saka nagpatiuna na itong umupo sa mesa.

Isang buwan nalang manganganak na ang ina niya kaya mas lalo siyang na-excite.

"bumukod ka na Kathleen para magkaroon na din kami ng apo sa tuhod." out of the blue na sabi ng lola niya (ina ni russel) kaya lahat ng nakain niya tumalsik sa kanyang plato dahil napaubo siya.

Nagtinginan ang ina at ama niya habang ang dalawa niyang lola ay nakatingin sa kanya. Samantha si bobby nag iiling nalang habang inabutan siya ng tubig.

"wag mo ng intindihin ang mga lola mo." tawang sabi pa ni bobby.

"seryoso kami." segunda ng isang lola niya(ina ni princess)

Wala bigla ang gana niya sa pagkain dahil sa naging paksa.

"mom, wag mo na nating I-pressure si Kathleen sa ngayon hayaan mo na nating siyang mag enjoy." tugon ng daddy niya.

"darating din naman siya sa ganyan pag-gusto na niya." segunda ng mommy niya.

Katahimikan ang namayani sa kanila nakalipas ang ilang minuto kumakain.

JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon