(Read at your own risk)
Marahang dinilat ang mata niya at ginala ang paningin. Nasa kama na siya nakahiga at nakasuot na ng nightgown dress. Wala na din ang binata sa kanyang tabi.
Napangiti siya at pinikit ang mata.
She's so happy. Hindi man nila pinag usapan ng binata kung ano sila basta alam niyang mag especial silang relasyon lalo na ng may namamagitan na sa kanila.
Akmang kikilos na siya ng mapangiwi siya.
She still sore down there.
Hindi niya mapigilang mamula habang inaalala ang nangyayari.
Nahihiya siya sa binata na humarap.
Marahan siyang tumayo at paika ikang lumakad ng may kumatok sa kanyang pinto.
Nanlaki ang mata niya. Lumakas ng lumakas ang katok.
Napalunok siya. Sino ba ang kumatok?
"Kathleen... Kathleen... Si kelly ito." ani ng boses ng dalaga halatang nag alala.
Nabahala siya at dali daling bumalik ng higa sa kama at nagkumot.
"buksan ko na ang pinto Kathleen.." rinig niyang sabi ng dalaga.
Napapikit siya at kunwari nagtutulog.
Rinig niya ang pagbukas ng pinto maya maya.
"ako na ang magdala." inis na sabi pa ni kelly sa kasama nito.
Napadilat siya. Sino ang kasama nito?
"ako na mabigat ito." rinig niyang sagot ni jerome.
Napangiti na siya at umupo pasandal sa headrest ng kama.
"bawal ang lalaki dito sabi ni sir jhon michael... Ako na." taas boses na salang ni kelly.
"fine..."
"wag mong bitiwan agad baka mahulog ko." galit na sabi kelly.
"ooh.. Ok.. Ok.. Maam."
Kasunod niyang narinig ang pagsara ng pinto.
Hinintay niyang sumingaw ang ulo ni kelly sa kuwarto. Ilang minuto pa pumasok na ito dala ang tray ng pagkain.
Biglang kumalam ang sikmura niya ng maamoy ang pagkain.
"kumusta ang pakiramdam mo kath?" alalang tanong nito pagkalapit at binaba ang dalang pagkain sa besidetable malapit sa kanya.
Namula siya ng maisip ang naganap kaninang tanghali.
"nilalagnat ka ba? Ang pula ng pisngi mo." sabay salat ng kanya noo.
Napalunok siya at tumingin sa pagkain para itago ang hiya.
"ang init mo." alalang sambit nito
Gusto na niyang magpalamon sa hiya kung alam lang nito ang nangyari kanina.
"magsabi ka nga ng totoo sa akin." taas kilay na sabi pa nito.
Nanlaki ang mata niyang tumingin sa kaibigan.
"a-anong ibig mong s-sabihin?" utal niyang tanong at lumonok.
Nakita niya ang pagliit ng mata ni kelly at nagkrus ng braso sa dibdib.
"totoo ba ang narinig ko sa labas na ikaw daw ang bagong assistant ni sir jhon michael? Naman kath...akala ko ba nagtanda kana. Sabi mo nandito ka para magbakasyon. Wag mong sabihin naglayas ka ulit sa inyo?" sunod sunod na tanong nito.
Napahinga siya ng maluwang saka nagkamot ng ilong dahil kumakati.
Akala niya kung ano na ang sasabihin ng kaibigan.
"hindi mo ba naalala kung paano ka niya pinahirapan sa paglinis ng swimming pool sa rooftop noon!!" paalala nitong sabi.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
Storie d'amoreWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
