Excited siyang pumasok sa kuwarto bar habang hila hila ang binata sa suot nitong damit.
Unang sumalubong sa kanila ang maingay na musica at ang nagkikislapan na iba't ibang kulay na ilaw at ang daming tao na tila nagsisiyahan sa dance floor hiyawan habang sumasayaw.
"hi maam...long time no see!" ngiting bati sa kaibigan niyang waiter gamit ang lalaking boses nito ng makita siya di kalayuan.
Nanlaki pa ang mata nito habang nakatingin sa kanilang direksiyon.
Ngumiti siya at lumapit nito.
"hi...maraming tao ata ngayon!" pasigaw niyang sabi at marahang nilapit ang mukha sa tainga nito.
"weekend po kasi maam..."ganting bulong nito gamit ang buong boses saka marahan siyang tinapik sa likuran.
Nagtango siya saka binitiwan na ang binata saka pinaharap sa bakla.
"si Jhon nga pala." pakilala niya sa kasama saka nag ikot ng mata para maghanap ng bakanteng mesa.
"dito po tayo maam may bakante dito." saka nagpatiuna itong lumakad.
Sinulyapan niya ang kasama na nasa likod nakakonot ang noo.
Tawa niyang hinawakan ang damit nito saka hinila na.
Sa may dulo sila dinala malapit sa banyo.
"ano po ba ang order niyo maam, sir?" tanong nito ng makaupo na siya saka marahang kumindat sa kanya.
Napangiti siya.
"ako na ang pipili doon." diin sabi ng binata saka tiningnan ng matalim ang baklang crew.
Nagyuko ito ng ulo saka tinalikuran na sila.
Humarap ito sa kanya na nagkrus ang braso sa dibdib.
"mukhang sanay ka na dito."
"hindi naman nagkataon lang na mahilig akong makipagkaibigan."
Nagtango ito saka nagpunta na sa counter para kumuha ng alak.
Ngiti niyang nilibot ang paningin saka tumango tango tango dahil sa jolly ang kantang pinatugtog.
"nakabingit ka ata ng pogi ngayon." pasekretong bulong ng bakla ng dumaan ito. Napatawa siya saka tinampal ito sa braso.
"single pa yun."
Napatili ng mahina ang bakla saka pinisil ang kanyang ilong. Tawang tawa naman siya.
"mapapatay ako ng boss namin pagmalaman niyang bakla ako." ngiwing bulong sa kanyang tainga saka iniwan na siya.
Nag iiling siya at napatawa.
"mukhang close kayo." rinig niyang sabi ng binata sa likuran niya saka nilapag ang dalang redhorse beer saka umupo.
"yan ba ang iinumin natin?" bulaslas niyang tanong
"iinom ka o aalis tayo?"tanong nito saka umupo tapat niya.
Nag ikot siya ng mata.
"alam mo ikaw...naiinis na ako sayo. Nag-anyaya kang mag sine pero sa movie house mo ako dinala, para naman tayong teenager na naghahanap ng timing para makanakaw ng halik. Haler...matatanda na tayo!! Mas mabuting dito tayo para mas ma-enjoy natin ang bonding natin. Pwede pa tayong makasayaw. "
Nakita niya ang paghugot ng hininga ng kaharap at naglagay na ng beer sa dalawang baso.
" bakit gawain mo ba ang ganyan noon sa movie house? Tanong ng binata na kinatigil niya.
Rinig niya ang mahinang tawa nito na kinabwesit niya.
"kung ayaw mo akong samahan dito umalis ka." inis niyang sikmat nito saka nilagok ang isang basong beer.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomansWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
